Kim Chiu, ibinahagi ang behind-the-scenes ng kaniyang first-ever Magpasikat 2021 journey at success sa It’s Showtime

Kung taun-taon ay ating ipinagdiriwang ang espesyal na araw ng ating kapanganakan, tila hindi naman magpapahuli diyan ang programang sinusubaybayan ng mga kapamilya tuwing tanghalian ang It’s Showtime.


Credit: @chinitaprincess on Instagram

At tulad ng pagce-celebrate ng ating mga birthdays ay taun-taon din namang nagbibigay tuwa, saya, at inspirasyon ang naturang programa, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang mga natatanging talento at ideya sa segment na kanilang pinangalanan bilang “Magpasikat”.

Layunin ng segment na ito ay hindi lamang masilayan ang iba’i-ibang talento ng bawat host, kundi ay magbigay inspirasyon sa pamamagitan ng mensahe ng kanilang mga natatanging performance, at makatulong na rin sa kanilang mga napiling charities na mapagbibigyan ng kanilang mga nakamit na premyo mula sa Magpasikat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu đŸŒ¸ (@chinitaprincess)


Kaya naman ngayong taon ay isang nakakabilib na performance ang siyang inihanda ng team K.A.K na kinabibilingan ng mga Showtime host na sina Karyl Tatlonghari, Amy Perez, at Kim Chiu.

Women empowerment nga ang naging tema ng kanilang performance ngayong taon, na kung saan ay dito nila ipinakita ang taglay na husay at galing ng mga kababaihan lalong-lalo na ang mga Pinay athletes na nagbigay karangalan sa ating bansa.


Credit: @chinitaprincess on Instagram

Paglalahad ni Kim, “ang daming women athletes na nagdala ng pride, joy, and honor to our country and lahat ‘yun babae. Kami din sa team Karyl, Amy and Kim, puro din kami babae, so we feel empowered.”

At dahil ito ang kauna-unahan ng Chinita Princess na si Kim Chiu na magperform sa showtime bilang host sa programa, ay kanyang ibinahagi sa kanyang YT channel ang behind-the-scenes bago maganap ang kanilang surpresang performance.

Bilang first timer ay mababakas kay Kim ang labis na kaba at pangamba sa kanyang magiging preparasyon para sa gaganapin nilang performance sa magpasikat.

Aniya, “weird lang yung feeling na parang yung last kong sali ng contest [is] PBB, pero ‘di naman ako nakikipag laban ‘dun. Parang sa school yung huli kong feeling na ganito, yung parang may intramurals.”


Credit: Kim Chiu PH Youtube Channel



Pinangunahan man ng kaba, ay makikita pa rin ang labis na pagbibigay ng effort ng aktres upang ang kanyang performance ay maging maayos at maganda.

Kasabay nga nito ang kanyang pagpapakita ng kanyang mga nagpapaltos na kamay matapos ang kanyang araw-araw na pag-eensayo sa kanilang drum lessons.


Credit: Kim Chiu PH Youtube Channel

Sa kabila ng mga naramdamang pagod ay tila “worth it” nga ang lahat ng ito, dahil nagwagi ang kanilang team at nakamit ang titulong “Magpasikat 2021” winner ng It’s Showtime.

The post Kim Chiu, ibinahagi ang behind-the-scenes ng kaniyang first-ever Magpasikat 2021 journey at success sa It’s Showtime appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments