Ivana Alawi, ipinasilip ang kanyang napakaganda at eleganteng High-tech na kusina

Muli na namang pinahanga ng magandang aktres at vlogger na si Ivana ang kanyang mga supporters at manonood sa kanyang pinakabagong vlog, matapos ipasilip ni Ivana ang kanyang napakagandang bagong kusina.


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Maituturing na isang napakalaking blessing para kay Ivana ang mapagawa ang kanyang matagal ng pinapangarap na kitchen, na kung saan ay aakalaing walang laman ang kanyang kusina dahil sa napakalinis at napaka-elegante nitong tingnan.

Aniya, “Having this dream kitchen is a huge blessing – gusto ko kasi sa kusina is minimalistic, yung kaunti lang yung laman. Yung wala ka nakikita, very malinis.”


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Kaya naman simula ng ipaayos ni Ivana ang kanilang dating kitchen noon, ay ganoon na lamang ang tuwa ng aktres sa naging kinalabasan ng kanyang white-siver themed na elegant high-tech kitchen.

Magmula sa mga tipikal na itsura ng mga kusina na madalas na nakikita, tila ibahin naman natin ang kitchen ni Ivana, dahil kahit sino ay mamangha kapag iyong nasilayan ang kakaiba at makabagong style ng kanilang mga cabinets at pantry.


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Kapansin-pansin na sa napakagandang kusina ng aktres, ay makikita ang madami ring mga cabinets at drawers, na siya namang pinakagusto ni Ivana.

Ayon sa kanya, “Ang dami kong pangluto and everything, so gusto ko talaga maraming mga drawers, maraming cabinets.”




Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Pagdating naman sa favorite spot ni Ivana sa kanilang kusina, ipinasilip din niya ang kanilang sariling pantry area na naglalaman naman ng kanyang mga comfort food mula noong pagkabata.

“kasi mahilig ako sa mga unhealthy foods, mga tsitsirya, so eto yung aking mga paborito nung bata ako.” Pagbabahagi ng aktres.

Gayundin naman ang mga koleksyon ni Ivana ng mga tea, na siyang madalas namang makita sa kanyang mga vlogs dahil ito ang isa sa kanyang madalas na inumin.

Maging ang kanilang refrigerator ay hindi rin kapansin-pansin sa unang tingin, dahil sa kakaiba nitong disenyo na tila kaparehas lang rin ng mga naggagandahang drawers at cabinets.


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Para kay Ivana, isa umanong investment ang makapagpagawa ng isang magandang kusina na siyang ayon pa sa kanya, ay ito ang kanyang pinapangarap mula pa man noon.

Aniya, “’Yun kasi ang dream ko talaga, magandang kusina kasi dito lagi akong nagluluto, so isa sya sa mga investment ko.”

The post Ivana Alawi, ipinasilip ang kanyang napakaganda at eleganteng High-tech na kusina appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments