Ramdam na ramdam na nga ang diwa ng kapaskuhan sa ating kapaligiran. At dahil nalalapit na ang araw ng Pasko, ay kanya-kanya ring paghahanda ang karamihan sa atin, mula sa paglalagay ng mga makukulay na dekorasyon sa tahanan at ang maagang pagbili ng mga pagkain na ihahanda sa kapaskuhan.
Credit: Alex Lagrimas Yap Facebook
At bahagi ng taun-taong pagdiriwang na ito ay siyang kasabay rin ang pakikinig sa mga awiting pang Pasko, at isa na nga rito ay ang nakagawiang pangangaroling na ginagawa ng mga kababaihan at kalalakihan sa bawat bahay na kanilang kinakantahan.
Kaya naman sino ba naman ang hindi mapapasayaw at mapapaindak sa kakaibang estilo at tugtugin na ito, na talaga namang kahit sino ay hindi mapapasabing “Patawad po” kapag sila na ang humingi sa inyo ng aginaldo.
Magmula sa nakagawiang tansan at tambol na ginagamit sa pangangaroling, ay ibahin natin ang dalawang magkaibigang musikero na sina Jade at Siegfried, na nag-viral online dahil sa kakaibang estilo na kanilang ginawa sa pangangaroling.
Dala-dala ang violin at gitara saan mang lugar na mapunta ang siyang naging sikreto nina Jade at Siegfried, upang manghingi ng aginaldo at magbigay kasiyahan sa mga tao.
Credit: Alex Lagrimas Yap Facebook
Ayon sa dalawa, “Making fun with the music and then for the children to be happy with our music. Mafi-feel nila yung essence ng Christmas, [and] that’s the main purpose of our caroling.”
Mula sa “Trip-trip lang” ay tila naging daan nga ito para sa kanilang dalawa na ang kanilang video at paraan ng pangangaroling ay mapanood at masaksihan ng masa.
Credit: Alex Lagrimas Yap Facebook
Aniya, “Hindi po talaga namin ‘yun pinaplano, nag decide lang talaga kami kasi wala kami ginagawa nung araw na ‘yun.”
“Trip lang talaga, as in hindi talaga namin in-eexpect,” dagdag pa nila.
Layunin nina Jade at Siegfried na magbigay kasiyahan sa bawat tao at pamilya na kanilang napupuntahan upang kantahan, dahil para sa kanila ang pagbibigay kasiyahan sa kabila ng mga problemang kinaharap ng bansa dahil sa p@ndemya, ay isang malaking regalo na maihahatid nilang dalawa para sa kanila.
Pagbabahagi nina Jade at Siegfried, “Despite of hardship today, mabibigyan namin sila ng kaligayahan sa [pamamagitan ng] aming pagka-caroling.”
The post Dalawang magkaibigan, gumamit ng kakaibang estilo ng pangangaroling na kinagiliwan pati ng mga netizens appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments