Ryzza Mae Dizon, muling binisita ang unang bahay na naipundar niya para sa kanyang pamilya sa Quezon City

Marami na nga ang naging pagbabago sa ating kapaligiran sa paglipas ng panahon. Kung dati ay ating nakasanayan ang buhay sa siyudad, na puno ng matataas na gusali at bilang ng bawat sasakyan, ngayon ay padami na rin ng padami ang mga tao na piniling mamuhay sa tahimik na lugar na hatid ng probinsya.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Maging ang mga bagay na nakasanayan gawin noon, ay malaki na rin ang pinagbago. Mula sa mga simpleng pamamaraan at buhay na kinagisnan, ngayon ay unti-unti na itong napapalitan at naisasakatuparan.

Ngunit sa kabila ng mga pagbabagong ito, ay may isa pa ring sikat na personalidad sa showbiz ang hindi magbabago. Dahil sa kanyang hatid na pagpapasaya sa mga Dabarkads sa tanghalian, tiyak na ang “Aling Maliit” lang noon ay labis na ring napapasaya ang kanyang pamilya ngayon.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Sa murang edad pa lamang ng Eat Bulaga host na si Ryzza Mae Dizon, ay marami na ang humanga sa kanyang natatanging husay at galing kung kaya’t bumuhos rin ang napakaraming proyekto sa kanyang karera, mapa pelikula man o telebisyon.

At dahil sa kanyang natamong kasikatan at kasipagan sa trabaho, hindi nakapagtataka na ang naipundar lang noon na bahay sa Quezon City ay mayroon na namang bagong paparating na biyaya, at ito nga ay ang kasalukuyang under construction na bahay ni Ryzza at ng kanyang pamilya sa Pampanga.




Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Matatandaang ilang linggo pa lamang ang nakalilipas ng ibahagi ni Ryzza sa kanyang social media account ang bahay na kanyang ipinapagawa para sa kanyang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ryzza Mae Dizon (@ryzzamaedizon_)


Kaya naman hangga’t hindi pa tuluyang nagagawa at nakakalipat sa kanilang bagong bahay sa Pampanga, ay muli namang binalikan at binisita ni Ryzza ang kanilang dating tirahan ng kanyang pamilya sa Quezon City.

Sa kanyang latest vlog, ay ibinahagi ng Eat Bulaga host ang kanilang pagbalik muli sa unang bahay na kanyang ipinatayo, upang kumuha ng ilan sa mga kagamitan na kanila ng dadalhin sa apartment na kanilang tinutuluyan ngayon pansamantala sa Pampanga.

Ganoon na lamang ang tuwa ni Ryzza na masilayan muli ang kanilang 3-storey house makalipas ang halos dalawang buwan na ito ay hindi nila nakita.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Makikitang nakasama ni Ryzza ang kanyang ina at bunsong kapatid sa kanilang naging paglilipat.

Samantala, marami naman sa mga sikat na personalidad sa showbiz, ang nagbigay ng kanilang pagbati para sa bagong blessing na dumating sa buhay ngayon ni Ryzza.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Pagbati ni Pauleen Luna-Sotto, “Congrats bibi ghorl!!!!!”

“Ikaw na talaga Bibigurrrr” dagdag pa ni Allan K.

Komento naman ni Ashley Ortega, “Congratulations bebe gurl❤

The post Ryzza Mae Dizon, muling binisita ang unang bahay na naipundar niya para sa kanyang pamilya sa Quezon City appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments