Fiance ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo, labis ang kilig matapos makita at makapagpa-picture sa kanyang pinapangarap na sasakyan

Ang bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang pangarap at mithiin na gustong makamit sa buhay. Kung ang bawat estudyante ay nangangarap na makapagtapos ng kanilang pag-aaral, ang makatungtong sa mataas na posisyon sa trabaho ang siya namang hangad ng bawat empleyado.


Credit: @chepoxz on Instagram

Ngunit, hindi naman maikakaila na bahagi rin ng mga pangarap na ito ay ang makapagpatayo ng bahay at makapagpundar ng sariling sasakyan na siyang magagamit ng buong pamilya.

Isa sa mga nangangarap na makamit ito ay ang surfer champion na si Philmar Alipayo na siyang fiancé ngayon ng dating akres na si Andi Eigenmann, na kung saan kasabay ng kanilang simpleng pamumuhay sa isla ng Siargao ay mayroon naman din syang pangarap na gusto niyang makamit mula pa man noon.


Credit: @chepoxz on Instagram

At tulad ng bawat pangarap ng halos karamihan sa mga kalalakihan, ay pangarap rin ni Philmar na magkaroon ng sariling sasakyan.

At sa larawan na kanyang ibinahagi sa Instagram ay ipinasilip ni Philmar ang matagal na nitong pangarap na sasakyan, at ito nga ay ang bongga at mala astig na datingan na Rubicon Jeep, na siya namang bumagay sa personality ni Philmar bilang isang mahusay, astig at nakakabilib na surfer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)


Aniya, “Dream car Ya! pa picture only, I’m kiligers”.

Tunay ngang kahit hindi pa man nakakamit ang kanyang pinapangarap na sasakyan, ay makikita pa rin ang labis na kilig na naramdaman ni Philmar matapos masilayan at makapagpa-picture sa kanyang dream car.




Credit: @chepoxz on Instagram

Kung “law of attraction” lang din naman ang pag-uusapan, ay tila wala pa rin makakapantay sa kapangyarihan na hatid ng panalangin at dasal, sa bawat pangarap na ating inaasam.

Kaya tulad ng pangarap na sasakyan ni Philmar, ay marami rin sa kanyang mga tagahanga ang naniniwala na balang araw ay mabibili niya rin ang kanyang inaasam na dream car.


Credit: @chepoxz on Instagram

“Pag may wish..and pray ka..mangyayari yan..”

“Claim it this coming 2022 @chepoxz 🔥❤

“Kaya yan! Go go go! 👏

The post Fiance ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo, labis ang kilig matapos makita at makapagpa-picture sa kanyang pinapangarap na sasakyan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments