Bubble Gang Star Gwen Zamora, may paunang pasilip sa kanilang magiging modern-cozy Farm sa Batangas

Sa kabila ng dumaang pagsub0k na kinaharap ng ating bansa, ay hindi pa rin maiaalis sa bawat isa na hanap hanapin ang katahimikan at kapayapaan ng ating isip at katawan.


Credit: @gwenzamora on Instagram

Marahil isa na sa hiling ng marami sa atin ay ang mamanirahan sa probinsya, na kung saan ay mararanasan ang simpleng pamumuhay na mas malayo sa polusyon at ingay na dala ng mataong lugar ng Metro Manila.

Kaya naman ang paninirahan sa probinsya ang siyang prayoridad ng mag-asawang Kapuso actress na si Gwen Zamora at asawang PBA player na si David Semerad.


Credit: @gwenzamora on Instagram

Tila ang planong paninirahan sa Batangas ang naging daan para kay Gwen na lisanin ang mundo ng showbiz, at piliin ang masaya at magandang buhay kasama ang kanyang asawa at kanilang anak na si Cooper.

Matatandaan na noong ika-10 ng Oktubre nang ibinahagi nina Gwen at David ang kanilang ipinatayong modern bahay kubo, na siyang nagsilbi nilang tirahan ngayon buong pamilya sa Batangas.




Credit: @gwenzamora on Instagram

Tila hindi pa nga dyan natatapos ang kanilang masayang buhay probinsya, dahil ayon kay Gwen ay nalalapit na nga ang munting pasilip sa kanilang munting Semerad Farm, na siyang ibabahagi nila sa kanilang YT channel.

Sa kanyang inilagay na caption, “This is how we started… Can’t wait to show all of you how far we’ve come! Will be up soon on our channel, once we’re a little more settled in. Love yall!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gwen Zamora Semerad (@gwenzamora)


Samantala, ay hindi lamang sina Gwen at David ang siyang excited sa kanilang farm life, dahil ang mag-asawang Sam Pinto at kakambal ni David na si Anthony ay excited rin para sa kanilang ipinapatayong bahay sa Batangas kalapit ng tirahan nina Gwen.


Credit: @gwenzamora on Instagram

Ayon sa aktres, “Super duper excited for my in laws, not sure if you’ve caught on but they’ll soon be our provincial neighbors! Hehehe FARM LIFE HERE WE COME!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sam Pinto-Semerad (@sampinto_)


”On side note, I drew up the plans of their home. I can’t wait to see it come to life @sampinto_ put her beachy vibe to it! It’s definitely going to be a beautiful home” dagdag pa niya.




Credit: @gwenzamora on Instagram

“Thank you form making my architect dreams come true! @anthonysemerad @sampinto_”.

The post Bubble Gang Star Gwen Zamora, may paunang pasilip sa kanilang magiging modern-cozy Farm sa Batangas appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments