Pauleen Luna, nagkaroon ng isang masayang birthday celebration matapos makasama at maka-bonding ang kanyang pamilya

“33 trips around the sun. All praise and glory goes to our Lord Jesus Christ for the gift of life and family! I am complete”, iyan ang mga salitang isinambit ng celebrity mom at ‘Eat Bulaga’ host na si Pauleen Luna-Sotto sa kanyang post sa social media account.


Ang celebrity mom ay nagdiwang na nga ng kanyang kaarawan nito lamang ika-10 ng Nobyembre, na kung saan ang kanyang birth month ay siya ring kasabay ng anibersaryo nila ng kaniyang asawang si Vic Sotto at kaarawan rin ng kanilang anak na si Tali.

Hindi na lingid sa kaalaman ng nakararami na isa si Pauleen sa mga itinuturing na pinakamagandang aktres sa industriya ng showbiz at may angking talento pagdating sa pag-arte.


Kaya naman hindi kataka-taka na si Bossing Vic ay nahumaling sa kanyang asawa, at sa kanilang naging relasyon ay nahantong ang kanilang pag-iibigan sa kasalan na naganap naman noong January 30, 2016, sa St. James The Great Parish Church sa Alabang.

Sa kanilang isang dekadang samahan at wagas na pagmamahalan ay talagang napatunayan nina Pauleen at Bossing Vic, na hindi basehan ang agwat ng edad sa tunay nilang pag-iibigan para sa isa’t-isa.

Kaya ngayon sa selebrasyon ng kaarawan ng aktres, ay talaga namang makikita na hindi lamang ang kanilang pagmamahalan ang nagbigay kulay sa kanilang pagsasama, kung hindi pati na rin ang labis na pagmamahal at suportang ibinibigay ng Luna at Sotto family para sa kanya.


Sa espesyal na araw na ito ng buhay ni Pauleen, ay nagtungo ang kanilang pamilya sa Tagaytay Highlands, na kung saan ay naka-bonding ng aktres ang kanyang Luna Family upang ipagdiwang ang kanyang birthday kasama ang mga ito.

At pagdating nga ng kinagabihan, ay isa namang intimate family dinner with Sotto Family ang naganap naman sa tahanan nina Pauleen at Vic, na siyang makikita sa mga litratong ibinahagi ng aktres sa kanyang IG account.

Sa mga litratong ito ay makikitang nakasama nila sa kanyang kaarawan ang ibang anak ni Vic, na sina Oyo Boy at Danica Sotto.

Nakasama rin sa naturang selebrasyon ang asawa ni Oyo na si Kristine Hermosa at ang ilan pa sa miyembro ng kanilang pamilya.

Tila ba wala na ngang maihihiling pa si Pauleen sa dami ng pagmamahal at suportang kanyang natatanggap hindi lamang sa kanyang pamilya, kundi pati na rin sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanyang karera at buhay pamilya.“Thank you for all the birthday greetings and wishes! I feel so loved! God bless!” ani ng aktres.

The post Pauleen Luna, nagkaroon ng isang masayang birthday celebration matapos makasama at maka-bonding ang kanyang pamilya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments