Dianne Medina, ipinagdiwang ang kanyang kaarawan sa beach kasama ang asawang si Rodjun Cruz at anak na si Baby Joaquin

Nakasanayan na nating mga Pilipino ang ipagdiwang ang ating mga kaarawan, sa pamamagitan ng paghahanda ng magarbo o simpleng handaan upang makasama ang pamilya at mga kaibigan.


Credit: @rodjuncruz on Instagram

Bahagi na rin nito ang paghahanda at pagluluto ng iba’t-ibang espesyal na putahe sa hapagkainan, at pagbibigay ng mga regalo para sa taong nagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Ngunit para sa aktres na si Dianne Medina ang pagdiriwang ng kaarawan ay hindi lamang sa simple o bonggang handaan, kung hindi ang makasama ang kanyang asawa na si Rodjun Cruz at anak nilang si Baby Joaquin ay sapat na upang ito ay mag-iwan ng isang napakagandang ala-ala sa kanilang pamilya.


Nito lamang ika-5 ng Nobyembre ay masayang ipinagdiwang ng aktres ang kanyang 35th birthday kasama ang kanyang pamilya, sa pamamagitan ng isang masayang birthday celebration na kanilang inihanda mismo sa kanilang tahanan.

Makikita sa larawan na nakasuot ng isang pink dress si Dianne habang makikita naman sa kanyang likuran, ang magandang backdrop set-up design isama pa ang kanilang masasarap na pagkain at regalong cakes.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz)


Matapos ang masayang pagdiriwang ng kaarawan ng aktres ay tila hindi lamang natatapos diyan ang kanilang kasiyahan, dahil ilang araw pa lamang ang nakalilipas ay nagtungo naman ang kanilang pamilya sa Botolan, Zambales, upang mag beach at mag-relax panandalian.

Magmula sa mga litratong ibinahagi ni Dianne sa kanyang social media account, ay makikita ang kanilang masayang bonding moments nina Rodjun at Baby Joaquin sa beach, na siya ring makikita ang labis na pag-eenjoy ng kanilang anak sa tubig.


Credit: @dianne_medina on Instagram

Ayon kay Dianne, ang lugar na kanilang pinuntahan ay siya ring pinag ganapan ng kanilang pre nup sh0ot ng kanyang asawa, kaya naman ganoon na lamang ang kanyang kaligayahan na sa kanilang muling pagbalik ay nakasama niya na si Baby Joaquin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz)


Aniya, “The last time I went here it was our pre nup sh0ot year 2019. After 2 years, nakakatuwa naman pagbalik ko kasama na kita anak love you so much @babyjoaquinilustre”

Samantala, isa namang nakakaantig at taos pusong mensahe ang ipinaabot ni Rodjun para sa kaarawan ng kanyang asawa na si Dianne.




Credit: @rodjuncruz on Instagram

Ayon sa aktor, “Happy birthday My everything @dianne_medina! You are the Love of my life. Both @babyjoaquinilustre & I are very blessed to have you in our Lives. I thank the Lord God everyday for you. Words can’t express how much you mean to me. We love you so much our Queen.”

The post Dianne Medina, ipinagdiwang ang kanyang kaarawan sa beach kasama ang asawang si Rodjun Cruz at anak na si Baby Joaquin appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments