Carla Abellana at Tom Rodriguez, masayang ibinahagi ang mga natanggap na magagandang regalo sa kanilang kasal

Tunay ngang wala ng katumbas na kaligayahan ang madarama kapag ang matagal ng inaasam at pinapangarap na makasama habang buhay ang taong minamahal ay maisakatuparan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)


Ang pagtungtong sa yugto ng pag-aasawa ay hindi lamang isang panandaliang relasyon bagkus ito ay isang sagradong relasyon, na hangad ang pang habang-buhay na pagsasama at pagmamahalan.

Wala na ngang pagsidlan ang kaligayahan ng newlywed couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, matapos nilang matagpuan ang tunay na kaligayan sa piling ng isa’t-isa.


Credit: @carlaangeline on Instagram

Ilang linggo pa lamang ang nakakalipas simula ng maganap ang pag-iisang dibdib nina Carla at Tom, na ginanap noong October 23, 2021 sa isang simbahan sa Tagaytay na dinaluhan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Matapos nga ang kanilang memorable solemn wedding ay siya rin namang masayang ibinahagi ng mag-asawa ang pag-a-unboxed ng kanilang mga natanggap na regalo noong araw ng kanilang kasal.




Credit: Carla Abellana Youtube Channel

Ayon kay Carla, “It’s been almost 2 weeks since the day Tom and I got married and though it’s still been quite hectic to settle back home, we finally had the time to open our Wedding Gifts.”

Sa latest vlog na ibinahagi ni Carla sa kanyang YouTube channel, ay makikitang katulong nilang dalawa sa pagbubukas ng kanilang mga regalo ang 3 pamangkin ng aktres na sina Ava, Stella at Lucy.


Credit: Carla Abellana Youtube Channel

Paglalahad ng aktres, “Excitingly, we “unboxed” them one by one with my 3 nieces- Ava, Lucy and Stella. Good thing we had more helping hands because the house has been extremely cluttered!”

Maliban sa kanyang mga pamangkin isa rin sa mga nakatulong ni Carla ang kanyang kapatid na si Erica, na kung saan ito ang siyang tumulong sa kanya sa paggawa ng inventory upang personal na pasalamatan ang kanilang mga kaibigan at pamilya na nagpaabot ng kanilang mga regalo.


Credit: Carla Abellana Youtube Channel

“Thankfully, my Sister, Erica, helped me do an inventory as well so we can personally thank each of our loved ones who generously gave us gifts.” Dagdag pa ng aktres.

Sa pagbabahagi ng kanilang mga natanggap na wedding gifts, agad naman nilinaw ng aktres na ang kanilang vlog ay hindi para ipagmayabang ito sa manonood, bagkus ay maipagdiwang ang kanilang kakatapos lamang na kasal.

Paglilinaw ni Carla, “Again, this Vlog is not to brag about what we received and now have. It’s not to show off. It’s really to celebrate our Wedding and share with all of you the items.”




Credit: Carla Abellana Youtube Channel

“Seriously, though, Tom and I can’t express enough how grateful we are not just for the gifts, but more importantly, for all our loved ones who gifted us with their presence on our most special day.” pasasalamat ng aktres.

The post Carla Abellana at Tom Rodriguez, masayang ibinahagi ang mga natanggap na magagandang regalo sa kanilang kasal appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments