Anne Curtis at asawang si Erwan Heussaff, nagdiwang na ng kanilang ika-4 na taong anibersaryo bilang mag-asawa

Ang pagdiriwang ng anibersaryo ng kasal para sa mag-asawa ay maituturing na isang kayamanan na kung saan ay ipinagdiriwang taon-taon.


Credit: @dahliaamelieee on Instagram

Katulad ng mga birthdays at holidays ang pagdiriwang ng anibersaryo ay talaga namang pinaghahandaan, mapa garbo o simpleng handaan ay ayos lang basta kasama ang iyong taong pinakamamahal.

Sa loob ng ilang taong pagsasama bilang mag-asawa ng aktres na si Anne Curtis at ang kanyang asawang si Erwan Heussaff, ay nasilayan at nasaksihan ng publiko ang kanilang matamis na pag-iibigan at ang masayang samahan na nauwi sa isang mapakaganda at bonggang kasalan.


Credit: @dahliaamelieee on Instagram

Nagsimulang magtagpo ang landas nina Anne Curtis at Erwan Heussaff ng minsang magbakasyon ang aktres patungong Spain, at mula sa kanyang pagbabakasyon doon ay kaniya ngang nakilala si Erwan na siyang matagal na palang mayroong pagtingin para sa kanya.

Ang kanilang kaibigan na si Isabelle Daza na isang mahusay rin na aktres, ang nagsilbing kanilang matchmaker at naging tulay upang ang relasyon nilang dalawa ay mas lalo pang lumalim.




Credit: @dahliaamelieee on Instagram

Tila ba totoo nga ang kasabihan na darating rin sa tamang panahon ang taong magpapatibok ng iyong puso at ang magiging dahilan ng nag-uumapaw mong kasiyahan.


Kaya naman ang dating strangers lang noon na si Anne at Erwan ay isa na ngayon happy married couple na nga, at hindi lamang silang dalawa ang magkasama sa buhay kundi kasama na rin nila ngayon ang kanilang unica hija ang napaka-cute na si Baby Dahlia.

Sa loob ng kanilang masayang pamilya ay sino ang mag-aakala na ang celebrity couple ay nagdiwang na ng kanilang 4th wedding anniversary nito lamang Biyernes, November 12, 2021.


Credit: @dahliaamelieee on Instagram

Ikinasal sina Anne at Erwan noong taong 2017 sa pamamagitan ng isang garden wedding ceremenoy na ginanap mismo sa Thurlby Domain, Queenstown, sa New Zealand, na dinaluhan pa ng ilan sa mga kilalang personalidad sa showbiz na sina Vhong Navarro, Vice Ganda, Jessy Mendiola, Luis Manzano, Matteo Guidicelli at marami pang iba.

Ngayon ay kasalukuyang abala ang mag-asawa sa kani-kanilang trabaho at kasabay na rin nito ang kanilang sabay na pag-aalaga sa kanilang anak na si Dahlia.

The post Anne Curtis at asawang si Erwan Heussaff, nagdiwang na ng kanilang ika-4 na taong anibersaryo bilang mag-asawa appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments