Kylie Padilla, ibinahagi ang masayang bonding moment nila ng kanyang ama na si Robin Padilla

Likas na sa bawat pamilya ang pagkakaroon ng tinatawag nating ‘bonding moments”, na kung saan tayo ay nag-aalay ng sapat na oras at panahon upang makasama at maka-bonding ang mahahalagang tao sa ating buhay.


Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

Marami ngang pamamaraan upang ang bawat oras ay mas lalong maging kapana-panabik at kaaya-aya, isa na rito ang pagpunta sa mall, museo o hindi naman kaya ay sa mga amusement parks kasama ang pamilya.

Ngunit maliban diyan, ay mayroon din namang pamamaraan ang ilan upang maka-bonding ang kanilang pamilya at mga kaibigan. ito nga ay sa pamamagitan ng paglalaan ng oras sa kanila upang makipag kwentuhan at pag-usapan ang mga magagandang kaganapan sa buhay ng bawat isa.


Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

Isa na sa magandang halimbawa diyan ay ang aktres na si Kylie Padilla, matapos niyang ibahagi sa kanyang social media account ang isang masayang father-daughter bonding nila kasama ang kanyang ama na isang beteranong action star na si Robin Padilla.

Tila ba ang kanilang relasyon bilang mag-ama ay talagang sinubok rin ang katatagan at lalim ng kanilang pagmamahalan sa isa’t-isa.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by kylie 🔮 (@kylienicolepadilla)


At dahil hindi na bago sa atin ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan at hindi madalas na pagkakaintindihan sa pamilya, ay tulad rin nina Kylie at Robin ay minsan na rin silang nagkaroon ng tampuhan na kalaunan ay naging maayos rin naman.

Sa kabila man ng kanilang mga pinagdaanan sa kanilang mag personal na buhay at pamilya, makikita na ang kanilang closeness mag-ama ay talaga namang hindi nagbabago at mas lalo pang pinatitibay ng panahon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kylie 🔮 (@kylienicolepadilla)


Kalakip ang kanilang mga masasaya at malalaking ngiti sa naturang larawan, ay siya namang pagbibigay puri at komento ng kanilang mga tagahanga sa mag-ama na sina Kylie at Robin.

“Yan ang totoong astig at orig na action star at anak ng action star 😍

“iba talaga ang comfort ng isang ama😭😭😭😭

The post Kylie Padilla, ibinahagi ang masayang bonding moment nila ng kanyang ama na si Robin Padilla appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments