Sarah Lahbati, ipinasilip ang napakasayang family camping kasama ang asawang si Richard Gutierrez at mga anak na sina Zion at Kai

“These memories will stay with me” ganiyan nga mailalarawan ang saya na naramdaman ng aktres at celebrity mom na si Sarah Lahbati, matapos nitong ibahagi sa social media ang kanilang napakasayang family camping, kasama ang kanyang asawa na si Richard Gutierrez na isang mahusay na aktor at kanilang mga gwapong anak na sina Zion at Kai.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Ang aktres na si Sarah Lahbati ay unang nakilala ng publiko sa 5th season ng reality show na StarStruck, na kung saan ay kasalukuyang host din nito ang kanyang mister na si Richard.

Tila nagsimula nga ang matamis na pag-iibigan ng dalawa ng sila ay parehong aktor at aktres sa proyektong kanilang ginagawa magkasama, na siyang pag-aamin ni Richard ay kanyang niligawan noon ang asawa bago makuha ang matamis nitong ‘Oo’.




Credit: @sarahlahbati on Instagram

Sa kabila ng mga balita ng hiw4layan ngayon ng ilan sa mga celebrity couple, patunay lamang na ang pagiging matatag sa relasyon at pagiging kuntento sa isa’t-isa ang naging sikreto nina Sarah at Richard, upang ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa ay maghatid ng inspirasyon sa mga nakararami.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Kaya naman sa nakaraang selebrasyon ng kaarawan ni Sarah ay marami ang humanga pagdating sa sorpresang inihanda ng aktor para sa kanya, na kung saan siya ay sinorpresa ng isang napakagandang “outdoor celebration” sa Bulod Campsite kasama ang kanilang mga anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)


Ngunit maliban sa sorpresang ito ay mas lalo pang napahanga ang publiko nang bigyan naman siya ni Richard ng isang 2021 Sarge Green Wrangler JL Rubicon na SUV Jeep.

At dahil sa hindi inaasahang sorpresang ito, ay sino ba naman ang hindi mae-excite na gamitin ang sasakyan lalo na kung ang trip at hilig mo ay pagka-camping.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Kaya naman ang kanilang family ay labis na nag-enjoy sa kanilang camping na kung saan ay makikita sa mga videos na ibinahagi ni Sarah ang munting pasilip sa kanilang masayang getaway.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)


Makikita na habang nage-enjoy ng magkapatid na Zion at Kai sa ganda ng lugar, ay makikita naman na punong-abala si Richard sa pagtatayo ng kanilang mga gagamiting tent.




Credit: @sarahlahbati on Instagram

Tunay ngang nakaka-relax sa pakiramdam na masilayan ang ganitong klaseng kaganda na kapaligiran, na napapalibutan ng mga luntiang halaman at matataas na puno sa kabundukan.

Maliban sa regalong Jeep Wrangler ng aktor para kay Sarah, ay makikitang ginamit rin nilang family sa pagpunta sa camping site ang sariling Jeep Gladiator na pagmamay-ari mismo ni Richard.

The post Sarah Lahbati, ipinasilip ang napakasayang family camping kasama ang asawang si Richard Gutierrez at mga anak na sina Zion at Kai appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments