Jayda Avanzado, proud na ibinahagi ang natanggap na 1st honor certificate mula sa kanyang paaralan

Maliban sa pagiging mahusay na singer at anak ng dalawang sikat na personalidad sa industriya ng showbiz, ay pinatunayan ni Jayda Avanzado na siya ay hindi lamang may ibubuga sa harapan ng entablado kundi taglay niya rin ang pagkakaroon ng beauty and brains.


Credit: @jayda on Instagram

Hindi maitatanggi na isa si Jayda sa mga young and good looking singer na siyang namana niya sa kanyang mga magulang na sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado. Matapos makabuo ng sariling pangalan at reputasyon bilang batang singer sa showbiz, ay hindi nakaligtaan ni Jayda ang kanyang pag-aaral.




Credit: @jayda on Instagram

Kaya naman sa kabila ng kanyang sunod-sunod na projects, ay hindi alintana sa singer ang pressure na maging outstanding student sa kanyang paaralan. Sa katunayan nga ay isa siyang honor student noong siya ay Grade 11 pa lamang, na siyang dahilan upang siya mas lalo pang hangaan ng kanyang mga fans.


Credit: @jayda on Instagram

Makikita sa larawang ibinahagi ni Jayda sa kanyang Instagram account ay kanyang ipinakita ang natanggap na sertipiko, na nagpapatunay na siya ay 1st honor students sa kanilang paaralan. Aniya, “currently finishing up on my senior year (4th year) of high school but i’m all smiles, as ya girl’s received her certificate for last school year 🤗🥳

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jayda (@jayda)


Sa kabila ng kasikatan at paglago ng kanyang karera sa showbiz ay napapanatili pa rin ng singer ang kanyang responsibilidad, hindi lamang bilang mahusay na performer kundi isa ring outstanding student.


Credit: @jayda on Instagram

At mula sa pagiging pursigido na makamit ang karangalan na kanyang natanggap, ay labis naman ang pagka proud nina jessa at Dingdong sa achievent na ito ng kanilang anak. At ibinahagi ang kanilang komento at pagka-proud kay Jayda.




Credit: @jayda on Instagram

Komento ng kanyang ama na si Dingdong, “Always remain humble and teachable anak. Never forget all those that helped you along the way. Needless to say, we are so proud of you! 👏👏👏❤

At ang naging pahayag naman ng kanyang ina na si Jessa, “Congrats anak! We are so proud of you!!!😘❤❤❤ @jayda”

The post Jayda Avanzado, proud na ibinahagi ang natanggap na 1st honor certificate mula sa kanyang paaralan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments