Bea Alonzo, ibinahagi ang kauna-unahang camping experience at ang masayang pagha-hike sa Yosemite National Park kasama ang aktor na si Dominic Roque

Sa muling pagbabalik sa Manila ng aktres na si Bea Alonzo, ay tila hindi pa rin makaget-over ang aktres sa kanyang masayang travel experience sa pagbabakasyon niya sa Los Angeles, California.


Credit: @beaalonzo on Instagram

Matatandaang lumipad patungong US si Bea kasama ang aktor na si Dominic Roque, upang magbakasyon bago sumalang sa nalalapit niyang proyekto at TV appearance bilang bagong Kapuso actress.

Kaya naman sa nalalapit na pagbalik sa bansa ay tila sariwa pa din sa kanyang memorya ang masayang kaganapan sa kanilang bakasyon lalong-lalo na sa Yosemite National Park.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Sa mga litratong ibinahagi ni Bea sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang kanilang naging masayang camping experience, na siyang unang beses pa lamang niya itong nasubukan. Aniya, “So, I went to see Yosemite for the first time, and stayed in an airstream😍 I have never done camping before for some reason, and though I know staying in a nice airstream is so far from the usual camping.”


Credit: @beaalonzo on Instagram

Halos tatlong araw rin ang kanilang pags-stay sa Yosemite kaya naman labis na nasulit ni Bea ang masayang experience na ito, na kung saan ay sinubukan rin nila ang pag-iihaw ng mga pagkain sa tabi ng Airstream at ang masayang kwentuhan kasama ang kanilang mga kaibigan.

Bukod pa dyan ay sinubukan rin ni Bea ang hiking, na kung saan ay literal na mapapa “live life to the fullest” ka nga naman dahil sa ibinahaging karanasan ng aktres. Ayon sa kanyang caption ay may natagpuan sila na napakagandang batis sa simula pa lamang ng kanilang pagha-hike.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


“It was beginning to get warm on the way down. Then we saw a beautiful river not so far from the point where we started the hike.”

At dahil hindi natiis ang ganda ng lugar at ang feeling na makapa “quick swim to just cool off from our walk” kahit wala man dalang pamalit na damit, ay naisipan ni Bea na tumalon at i-enjoy ang paliligo sa tubig.


Credit: @beaalonzo on Instagram

“So, I did! And the water was freezing, but it was so refreshing! Sometimes, it’s nice not to overthink and just live in the moment.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Mula sa masayang bakasyon ni Bea sa US, kahit naisip na raw niya ang kanyang next travel destination, ay hindi pa rin niya maaaring kalimutan ang kanyang trabaho. Kaya naman ngayon balik-trabaho na sya muli, at inaasahan na ng mga fans ang kanyang nalalapit na paglabas sa telebisyon.


Credit: @beaalonzo on Instagram

“I’m already planning my next trip as I’m typing this, 🤣 pero matatagalan pa yung susunod, trabaho muna 🙏🏻

The post Bea Alonzo, ibinahagi ang kauna-unahang camping experience at ang masayang pagha-hike sa Yosemite National Park kasama ang aktor na si Dominic Roque appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments