Dating PBB housemate na si Franzen Fajardo, ipinasilip ang kanyang maayos at simpleng buhay ngayon

Tanda niyo pa ba ang dating fan favorite na si Franzen Fajardo na kinilala bilang dating housemate sa unang edition ng Pinoy Big Brother?


Credit: Ogie Diaz Youtube Channel

Si Franzen ay isa sa mga naging komedyante noon sa showbiz na nakapukaw sa puso ng madla, dahil sa kanyang pagiging totoo at nakakatawang personality. Kinilala siya sa PBB house bilang pasaway dahil sa dami ng kanyang nagawang vi0lations, na nagresulta ng kanyang pag-force ev!ction sa naturang reality show.

At ngayon ay ating silipin ang buhay ni Franzen matapos niyang lisanin ang mundo ng showbiz at lumagay sa tahimik na buhay.




Credit: Ogie Diaz Youtube Channel

Sa panibagong vlog ni Ogie Diaz, ay kanyang nakapanayam si Franzen at binisita ang dating PBB housemate sa negosyo at kasalukuyang tirahan nito ang Bebeloves Salon na matatagpuan sa Marilao, Bulacan.

Sa kanilang naging pag-uusap ay itinanong ni Ogie kung siya ba ay may plano pang bumalik sa pagiging isang artitsa, na agad naman inamin ni Franzen na wala na siyang balak umanong bumalik pa sa trabahong kanyang kinagisnan noon.


Credit: Ogie Diaz Youtube Channel

“85% to 95% yung parang puso ko, isip ko ayaw ko na sa showbiz. Pero yung 10% to 15% gusto pa. Sabi ko parang ‘di ko sya grinab, though yung asawa ko gusto pero ayoko.”

Ang buhay ni Franzen ay hindi naging madali, at kanyang isinawalat na “Dumating ako sa time na parang nangungutang din sa kasamahan kong artista,” at kahit wala man natanggap sa kanila ay hindi pa rin nagtanim ng sama ng loob si Franzen at ginamit ang karanasang ito bilang kanyang inspirasyon sa buhay.


Credit: Ogie Diaz Youtube Channel

“Nagmamarka sa isip ko pero sa puso ko di na siya pinamamarka kasi parang nagtatanim ako ng sama ng loob pagka-ganun. Sinasabi ko na lang na, parang nagiging ano siya inspirasyon ko para mas lalo akong i-angat yung sarili ko.”

Sa kabila ng hindi magandang nangyari sa buhay ni Franzen noon ay nanatili pa rin siyang positibo sa buhay, kaya naman ngayon ay hindi mapaglagyan ang kanyang tuwa sa bagong negosyo nyang salon na siyang katuwang niya sa pagpapalago nito ang kanyang asawa na si Sharina.

“na-realize ko sa buhay ko, sana hindi ko na lang ginawa yung mga ganun. Pero okay lang, okay pa rin – ‘di lang naman showbiz yung paraan para magkapera ka, yumaman ako, umasenso ako meron naman ibang paraan.”

“kung alam mo lang ‘yung tamang hit, yung patutunguhan mo na business.”

The post Dating PBB housemate na si Franzen Fajardo, ipinasilip ang kanyang maayos at simpleng buhay ngayon appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments