Buboy Villar, pinatunayan ang pagiging hands-on sa kanyang negosyo matapos maging delivery rider din nito

Hindi nawawala sa isipan ng aktor na si Buboy Villar na gampanan ang kanyang tungkulin bilang isang uliran at responsableng ama sa kanyang dalawang anak na sina Vlanz at George.


Credit: @buboyvillar on Instagram

Kaya naman muli niyang pinatunayan sa publiko kung paano nga ba ang isang Buboy Villar, hindi lamang maging hands-on sa kanyang mga anak kundi pati na rin sa kanyang negosyo, ang “Paresan ni Bok”.

Ang negosyo na ito ng aktor ay kanyang itinayo upang makatulong sa kanya para mabili ang pangangailangan ng kanyang mga anak, maliban sa kanyang pag-aartista, ay talaga namang pumatok rin ang paresan nyang ito.




Credit: @buboyvillar on Instagram

Kaya naman sa panibagong vlog ni Buboy sa kanyang YT channel ay kanyang isinama ang mga viewers sa kanyang negosyong “Paresan ni Bok” at sinubukan maging delivery rider na siya mismo ang naghatid ng mga orders sa kanilang mga costumers.

Matapos mapag-alamang walang tagahatid ng mga orders dahil kasalukuyang nagpahinga ang kanilang rider, ay naisipan ni Buboy na maging delivery rider at hindi inatrasan ang hamon sa kabila ng “[pakikipag]b@kbakan sa arawan.”


Credit: Buboy Villar Youtube Channel

“Wala kaming rider ngayon mga bok, okay lang syempre, ganun talaga may nangyayari talagang ganyan, hindi natin inaasahan. Ayoko naman ipilit, so ngayon gagawin ko na lang, ako na lang mag-aadjust dahil ako mismo ang magdi-deliver.”


Credit: Buboy Villar Youtube Channel

Sa video ay makikita ang pagiging hands-on ni Buboy sa kabila ng katirikan ng araw, ay hindi niya ininda ito at masayang nag-deliver pa rin sa kanilang mga costumers.

Samantala, ay bahagi ng karanasan ng bawat riders ang mga hindi inaasahang kaganapan sa kanilang pagdi-deliver, tulad na lamang ng na-experience ng aktor sa paghahanap sa location ng costumer.




Credit: Buboy Villar Youtube Channel

“Medyo ito yung mahirap sa deliver, yung hindi kayo magkahanapan [ng buyer]. Pero okay lang, kasama sa pagde-deliver yan.”

At dahil kilala si Buboy sa kanyang pagiging hands-on sa kanyang trabaho at pagiging isang ama, ay pinatunayan rin nya ang kanyang pagiging pursigido na maihatid lahat ng orders kahit gabihin na sa kalsada. Ngunit tulad na lamang ng pagiging positibo ng aktor sa buhay ay ginagawa niya ito para sa kanyang negosyo at patuloy na la- “l@ban para sa Paresan ni Bok!”

The post Buboy Villar, pinatunayan ang pagiging hands-on sa kanyang negosyo matapos maging delivery rider din nito appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments