Assunta De Rossi, ibinahagi ang kanilang cute na twinning photo kasama ang kanyang ang anak na si baby Fiore

Patunay lamang na walang imposible, hangga’t ikaw ay naniwala at nagtiwala sa Panginoon. Ganiyan maihahalintulad ang buhay ng mag-asawang sina Assunta De Rossi at Jules Ledesma, matapos dumating ang isang milagro sa kanilang buhay sa pagdating ng kanilang miracle baby na si Baby Fiore.


Credit: @assuntaledesma on Instagram

Ang kaniyang mala anghel at maamong mukha, isama pa ang kanyang nakakahawang mga ngiti ay isa lamang sa mga katangian ng napaka-cute na si Baby Fiore. At sa bawat litrato at videos niya sa social media, ay siyang patuloy rin na sinusubaybayan ng mga netizens.




Credit: @assuntaledesma on Instagram

Tunay nga na sa kanyang mala-inosenteng kilos at galaw ay naghahatid na ito ng kakaibang sigla at ligaya, hindi lamang sa kanyang mga tagahanga kundi pati na rin sa kanyang Mommy Assunta. At sa pagdating ni Baby Fiore sa buhay ng aktres, ay iba’t-ibang masasayang bonding na ang kanilang ginawa mag-ina at isa na rito ang pagkuha ng mga cute pictures ni Baby Fiore.


Credit: @assuntaledesma on Instagram

Ngayon na 9 months old na ang kanyang anak, ay mapapansin ang unti-unting paglaki ni Baby Fiore, na parang kailan lang ng ito ay isilang ng aktres. Ganunpaman, ay makikitang sinusulit na ni Assunta ang bawat oras na kasama ang kanyang anak habang ito ay maliit pa lamang.


Credit: @assuntaledesma on Instagram

Tulad na lamang ang kanilang vintage cute picture, na kung saan ay magka-twinny ang mag-ina sa kanilang suot-suot na dress. Mayroon din naman mga litrato si Baby Fiore, na kung saan ay makikitang siya ay cute na cute sa mga suot nyang animal outfits, tulad na lamang ang kanyang picture na siya ay nagmistulang little red bug at little bee.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sammy Whammy (@assuntaledesma)


At kung ang hanap mo naman ay mga OOTD shots, ay tiyak na hindi magpapahuli diyan si Baby Fiore, na cute na cute sa kanyang mga suot na floral dresses na syang tinernuhan pa ng mga makukulay na ribbon hairclips.




Credit: @assuntaledesma on Instagram

Samantala, mula sa pagiging supportive mom ni Assunta ay siya rin namang todo support ng kanyang kapatid na isa ring mahusay na aktres na si Alessandra De Rossi. At sa bawat litrato ni Baby Fiore, ay hindi mawawala ang kanyang labis na pagkatuwa na syang makikita sa mga komento ni Alessandra.

The post Assunta De Rossi, ibinahagi ang kanilang cute na twinning photo kasama ang kanyang ang anak na si baby Fiore appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments