Wilma Doesnt, engaged na sa non-showbiz boyfriend na si Gerick Livelo Parin at sinabing ito ang kanyang “best birthday gift ever”

“Best birthday gift ever!” ganiyan mailalarawan ang masayang kaarawan ng aktres at modelong si Wilma Doesnt, matapos maganap ang isang unexpected proposal sa isang resort na kung saan siya ay nag-host sa isang event.


Credit: @doesntwilma on Instagram

Aakalaing na isa lamang event ang magaganap sa mismong araw ng kanyang birthday, ngunit ang hindi niya inaasahan ay mas lalo pang magiging espesyal ang gabi na iyon sa kanyang buhay.

Hindi maitago ni Wilma ang labis na kaligayahan at hindi maitatanggi na kilig to the max ang kanyang naging peg sa naganap na engagement.




Credit: @doesntwilma on Instagram

Sa bidyo na ibinahagi ni Wilma sa kanyang Instagram account ay makikitang nakasama sa event na ito ang ilan sa mga malalapit niyang kaibigan. At nang pinangunahan na niya ang pag-countdown, ay dito na rin nagsimula ang paglapit sa stage ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Gerick Livelo Parin.

At sa munting paglapit ni Gerick kay Wilma ay dito na bumuhos ang kakaibang kilig sa aktres, at sa ilang sandali pa ay hawak-hawak na ng kanyang boyfriend ang singsing at lumuhod na ito sa kanyang harapan.


Credit: @doesntwilma on Instagram

Makikita ang gulat na gulat na mukha ni Wilma at ang tila’y tawang-tawa rin sa pangyayari habang nakatingin sa nakaluh0d na si Gerick.

Hindi man inaasahan ang naganap na proposal, ay masayang-masaya naman itong tinugon ng aktres at sinabing “Yes of course!”


Credit: @doesntwilma on Instagram

Sa 14 years na relasyon nina Wilma at ng kanyang boyfriend, ay hindi maipaliwanag ng aktres ang kaligayahang nadarama na ngayon ay sa wakas engaged na sa kasintahan.

Aniya ang proposal na ito na naganap sa mismong araw ng kanyang kaarawan, ang isa sa pinakamagandang regalo na natanggap niya sa kanyang birthday.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wilma Dassent (@doesntwilma)


“The best birthday gift ever!!!! happy birthday to me!! yahoooo but seriously, to all the woman out there never give up on love. Your past doesn’t define you nor your mistakes in life. I called it process”

Isa namang makabuluhang mensahe ang ipinaabot ng aktres sa mga taong katulad niya na umaasa at hinihintay rin ang taong magmamahal sa kanila.


Credit: @doesntwilma on Instagram

“Trusts the process kasi may mas magandang naghihintay sayo patience is a virtue.. but for patience is a waiting. Learn to wait.. your time will come no matter what it will happen.”

Pinatunayan ni Wilma na ang pagmamahal ay hindi hinahanap, ito ay kusang dumarating sa ating buhay, sa hindi inaasahang panahon at tamang pagkakataon.




Credit: @doesntwilma on Instagram

“Never loose yourself its because you made mistakes. Forgive your self, respect and love yourself above all. Para mahanap ka ng taong nakatakda para sau.. maraming maraming salamat sa lahat ng naging parte ng buhay ko!!!mahal na mahal ko kayong lahat!!!”

The post Wilma Doesnt, engaged na sa non-showbiz boyfriend na si Gerick Livelo Parin at sinabing ito ang kanyang “best birthday gift ever” appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments