Mary Pacquiao, sinubukang hamunin ang kanilang mga kasambahay sa pagkain ng Korean spicy noodles

Isa sa mga kinahuhumalingan at kina-aadikang challenge ngayon sa social media, maliban sa mga nakakatawang prank ay ang challenge na kung saan ay kinakailangan kumain ng mga spicy food.


Credit: Mary Pacquiao Youtube Channel

Mapa Pinoy at celebrity ay hindi inatrasan ang hamong ito at sumubok sa challenge, upang magkaaalaman kung sino nga ba ang may malakas na sikmura at kayang tiisin ang anghang sa kanilang mga dila.

At sa hamong ito ay hindi napaghuli ang isa sa mga anak ni Sen. Manny Pacquiao na si Mary, at sinubukan ang spicy noodle challenge. Ngunit sa pagkakataong ito, ay hindi ang pamilyang Pacquiao ang sumabak sa hamon, kundi ang kanilang mga kasambahay ang siyang matapang na tinanggap ang challenge.




Credit: Mary Pacquiao Youtube Channel

Sa panibagong vlog ni Mary sa kanyang YT channel, ay kanyang ibinahagi ang mga naging kaganapan sa challenge na ito. Makikitang nakasama sa bidyo ang pangay na anak ng Senador, na si Jimuel at ang sumunod kay Mary na si Queenie.


Credit: Mary Pacquiao Youtube Channel

Sa pagsisimula ng challenge ay makikitang handang-handa na ang kanilang mga helpers sa hamong ito. At mapapapansin na ang bawat isa sa kanila ay may nakahaing Korean spicy noodles sa kanilang mga plato.


Credit: Mary Pacquiao Youtube Channel

At nang dumating na ang oras para sa tikiman time, ay makikita ang kani-kaniyang reaksyon sa mukha ng kanilang mga helpers. Sa unang tikim pa lamang ng spicy noodles, ay halos karamihan sa kanila ay hindi na kinakaya pa ang anghang. Samantala, ang iba naman ay kahit naa-anghangan na ay pinilit pa ring matapos ang challenge.

“Okay lang but it’s so spicy grabe.”

Makikita ang bawat helpers ay may hawak-hawak na tubig at gatas sa kanilang mga kamay, upang maibsan ang anghang sa kanilang mga dila. At sa challenge na ito ay pinatunayan nila na kahit helpers, ay hindi rin inaatrasan ang ganitong klaseng hamon.




Credit: Mary Pacquiao Youtube Channel

Ayon kay Mary ay nakatakda umanong lumipad patungong ibang bansa ang pamilyang Pacquiao, upang maghanda sa papalapit na boxing match ni Sen. Manny Pacquiao laban kay Errol Spence Jr.

“Me and my family are also going somewhere, and I mean out of the country since it’s my dad’s f!ght.”

The post Mary Pacquiao, sinubukang hamunin ang kanilang mga kasambahay sa pagkain ng Korean spicy noodles appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments