Sofia Andres, inamin na namana ni Zoe ang kanyang pagiging maarte, at ang pagiging adventurous naman ay sa kasintahang si Daniel Miranda

Ang pagiging isang magulang ay kaakibat nito ang kaliwa’t kanang sakripisyo para mabigyan ng magandang buhay at masaganang pamumuhay ang pamilya.

Ganiyan pinatunayan ng first-time mom na si Sofia Andres na isang mahusay na aktres at isa ngayong ganap na hands-on mom sa kanyang baby girl na si Zoe.


Credit: @iamsofiaandres on Instagram

Sa pagdating ni Zoe sa buhay ni Sofia at ng kanyang kasintahang si Daniel Miranda na ama ng kanyang anak, ay dito rin nakatagpo ng isang best friend ang aktres sa katauhan ng kanyang anak.

Kaya naman ngayon na isa ng ina ang aktres, ay isa sa mga isinakr!pisyo ni Sofia ay ang pansamantalang pagtigil sa pag-arte upang mabigyan ng sapat na atensyon, oras at punong-puno ng pagmamahal si Zoe.


Credit: @iamsofiaandres on Instagram



Ngayon na balik na sa trabaho si Sofia, ay hindi itinanggi ng aktres na kanyang na-miss ang trabaho at muling lumabas sa telebisyon.

“Super na-miss ko sya, kasi syempre ‘yun yung kinalakihan ko.”


Credit: @iamsofiaandres on Instagram

Sa kanyang naging panayam sa isang interbyu, ay inilahad ni Sofia na siya ay masayang masaya ngayon, sa kabila ng pagbalik sa trabaho ay nagagawa pa rin niyang makatulong sa kanyang pamilya, at lalo na ngayon na isa na rin syang pamilyadong ina.

“Happy ako, kasi yung love na nase-share ko sa kanila, parang galing sa paghih!rap, galing sa pagmamahal. Happy pa rin ako kay God kasi hindi Nya ako pinabayaan.”


Credit: @iamsofiaandres on Instagram

Pagdating naman sa napaka-cute na si Zoe, ay masayang ibinahagi ng aktres ang update sa kanyang anak ngayon. At hindi itinanggi na ito ay lumalaking bibo at unti-unting lumalabas ang ilan sa mga hilig nitong gawin.

“Sobrang bibo nya, sayaw sya ng sayaw, kanta sya ng kanta, mahilig sya sa makeup, mahilig din sya sa nail polish.”


Credit: @iamsofiaandres on Instagram

“Natutuwa ako sa kanya dahil alam ko magkakasundo kami.”

Sa katunayan kung tatanungin kung sino sa aktres at sa kasintahang si Daniel ang pinagmanahan ni Zoe pagdating sa ugali, ay agad namang inamin ni Sofia na nakuha ni Zoe sa kanilang dalawa ang ugali nila parehas.

“Parehas eh, yung kaartehan sa’kin. Yung pagka-adventurous nya, sa Daddy nya (Daniel). Kasi wala syang tak0t sa swimming pool as in tatalon lang talaga sya.”

Bilang isang ina, ay hindi rin mawawala ang takot sa puso ni Sofia kung sakali mang pasukin rin ng kanyang anak ang pag-aartist. Sa kabila ng takot na nararamdaman, ay todo suporta pa rin ang aktres sa magiging plano ni Zoe sa karera nito pagdating ng panahon.




Credit: @iamsofiaandres on Instagram

“Ayaw ko sya maging artista, parang ayaw ko ma-feel nya yung ano, yung mga b@shing. Syempre masak!t ‘yun sa nanay. Pero like if she wants diba, bakit ‘di naman natin pipigilan,”

The post Sofia Andres, inamin na namana ni Zoe ang kanyang pagiging maarte, at ang pagiging adventurous naman ay sa kasintahang si Daniel Miranda appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments