Mariel Padilla, ipinasilip ang kanyang napakarami at napakagandang mga tableware at dinnerware collection

Ilan sa mga kilalang personalidad ngayon sa showbiz, ay may kani-kaniyang koleksyon, mapa bags, damit at sapatos ay talaga naman ang kanilang hilig sa mga bagay na ito ay hindi mapipigilan ng kahit na sino.

Isa na nga diyan ang celebrity mom na si Mariel Rodriguez-Padilla, na nahilig sa pangongolekta ng mga tableware at dinnerware sets.


Credit: Mariel Padilla Youtube Channel

Nakasanayan na ng mga ina, nanay at ermats ang mga gawaing bahay, lalong-lalo na ang pagluluto sa kusina at paghahanda ng hapagkainan para sa kanyang asawa at mga anak.

Kaya naman hindi kataka-taka na ang celebrity mom na si Mariel ay nahilig sa pangongolekta ng mga ito, at ibinahagi sa kanyang vlog ang ilan sa kanyang mga koleksyon.

Ayon kay Mariel ay nagsimula umano ang hilig sa pangongolekta ng mga tableware at dinnerware sets, ng siya ay mahilig sa mga inumin tulad ng smoothies. At mula sa simpleng mason jar ay dito na umusbong ang pangongolekta niya sa mga ito.




Credit: Mariel Padilla Youtube Channel

“It all started with this mason jar. This mason jar that opened doors for me.”

“I like smoothies so much na yung nakikita ko na gumagawa sila ng smoothies ‘tas nilalagay nila sa mason jar. Tapos parang ang cool-cool nya.”

Tunay ngang investment para kay Mariel ang pangongolekta sa mga ito, na nagsimula lamang sa iba’t-ibang online shops sa Instagram hanggang sa ilang mga tindahan na rin ang kanyang nabilhan.


Credit: Mariel Padilla Youtube Channel

“Masyadong maraming stories, masyadong maraming feelings, masyado talagang marami akong emotional investment at ‘saka tunay na investment sa mga platong ito.”

“This has been accumulated through the years, from different Instagram accounts, different stores.”

Marahil ang sayang nararamdaman ni Mariel sa kanyang mga collection ay hindi mapapalitan ng kahit anong material na bagay.


Credit: Mariel Padilla Youtube Channel

“Ang saya kapag makikita mo yung naging collection through the years.”

Karamihan sa kanyang mga koleksyon ay mula mismo sa old country roses by royal albert, na siyang isa sa kanyang biggest collection na nagmula pa sa England ang bawat piraso ng mga ito.

Ilan sa kanyang mga koleksyon ay ang goblet, melamine coaster, placemat, pitcher, egg cup, bowl, teapots, vase at marami pang iba.


Credit: Mariel Padilla Youtube Channel

Ipinakita rin nya ang kanyang paborito sa lahat ang sculpted napkin ring, at soup tureen casserole.

Bahagi rin ng kanyang collection ay ang Miranda Kerr by Royal Albert, berkeley set, tranquility set at new country roses.

Sa hulihan ng kanyang vlog ay ibinunyag ni Mariel na nagawa nyang mailabas ang tableware at dinnerware sets collection niya, sa kadahilanang wala umano ang kanyang asawang aktor na si Robin Padilla.




Credit: Mariel Padilla Youtube Channel

“Bakit at paano natin nagawa? Wala si Sir (Robin Padilla), kaya nailabas natin lahat sila dahil kapag nandyan si Sir, oh no nakatago lahat.”

The post Mariel Padilla, ipinasilip ang kanyang napakarami at napakagandang mga tableware at dinnerware collection appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments