Goin’ bulilit child star na si Hopia, ipinakita ang ilan sa mga pinagpipiliang wedding gowns na isusuot para sa nalalapit na kasal

Nakilala si Katrina ‘Trina’ Legaspi o mas kilala bilang si ‘Hopia’, sa telebisyon ng siya ay mapabilang sa Goin Bulilit na isa sa mga kids TV show noon sa ABS-CBN.

Mula sa kanyang taglay na kakyutan ay marami ang kanyang napangiti at nabigyang aliw, at ilan sa kanyang mga nakasabayan sa showbiz ay ang mga sikat ng aktres ngayon na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes.


Credit: Hello Hopia (Trina Legaspi) Youtube Channel

Kung marami ang nakakilala kay Trina bilang isa sa mga child star noon, na may taglay na karisma at sa kanyang mala chubby face, ay sino ang mag-aakalang ang dating si Hopia ay isa ng napakagandang dalaga ngayon.

Kaya naman hindi kataka-taka na maraming kalalakihan ang nabighani sa kanyang kagandahan, ngunit tanging isa lamang ang nakabingwit sa kanyang puso at ito nga ay walang iba kundi ang kanyang soon-to-be husband na si Ryan Jarina.




Credit: Hello Hopia (Trina Legaspi) Youtube Channel

Kamakailan lamang ng inanunsyo ni Trina ang magandang balita na siya nga ay engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend, at ilang buwan na lamang ang bibilangin dahil siya ay magiging isa ng Mrs. Jarina.

Habang nalalapit ang kanilang pagpapakasal, ay labis na ang excitement na nararamdaman ni Trina at hindi na magkamayaw sa pagpaplano ng kanilang kasal.


Credit: Hello Hopia (Trina Legaspi) Youtube Channel

Kaya naman ang soon-to-be wife, ay isinama ang kanyang mga viewers sa pamimili ng magandang wedding gown na nababagay para sa kanya.

Sa panibagong vlog ni Trina sa kanyang YT channel na ‘Hello Hopia (Trina Legaspi)’, ay kanyang sinabi na si Patricia Santos na isang mahusay at isang sikat na fashion designer ang napili nyang gagawa ng kanyang wedding gown.

At dahil nahihirapan sa pagpili ng nababagay na wedding dress na susuotin, ay kanyang hiningi ang opinyon ng kanyang mga subscribers, base sa mga ready to wear design gown na kanyang sinuot.


Credit: Hello Hopia (Trina Legaspi) Youtube Channel

Una niyang isinuot ang isang napakagandang ecru tone tulle design dress, na syang bumagay sa hubog ng kanyang katawan.

“Ang ganda ng dress na ‘to parang very ano, dreamy, tsaka ano corseted.”


Credit: Hello Hopia (Trina Legaspi) Youtube Channel

Sunod naman nyang sinubukan ay ang ball gown type na wedding dress, na makikita naman ang pagka fresh ng sino mang magsusuot nito.

“Ang ganda nito, tsaka yung lace nya yung hindi heavy tignan – I like na off-shoulder sya pero detachable sya, pwede mo gawing tube lang.”




Credit: Hello Hopia (Trina Legaspi) Youtube Channel

At ang huli ang isang serpentine type of dress, na siyang lumabas naman ang magandang hubog ng katawan at balakang ni Trina.

“Akala ko at fist hindi bagay sa’kin ang serpentina (serpentine), ano pala sya bagay pala, nakakadalaga pag mermaid cut or serpentine cut.”

“Ang ganda rin ng serpentine, I feel like a lady, dalaga.”

Wala pa mang pormal na anunsyo kung kailan ang eksaktong petsa ng kasal ni Trina at Ryan, ay excited na rin ang kanyang mga fans para sa espesyal na araw na ito sa kanyang buhay.

The post Goin’ bulilit child star na si Hopia, ipinakita ang ilan sa mga pinagpipiliang wedding gowns na isusuot para sa nalalapit na kasal appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments