Anak ni Andi Eigenmann na si Baby Koa, kinagiliwan ng mga netizens dahil sa kanyang mga nakakatuwang mga larawan habang nag-eenjoy sa paglangoy

Isa ang Happy Islanders sa mga hinahangaan at sinusubaybayang pamilya ngayon sa social media, lalong-lalo na sa mundo ng vlogging.

Marahil ang maganda at masayang samahan nina Philmar Alipayo, aktres na si Andi Eigenmann kasama ang kanilang mga anak na sina Ellie, Lilo at Baby Koa ang siyang dahilan ng pagkakaroon ng isang simpleng pamumuhay sa Isla ng Siargao.


Credit: @andieigengirl on Instagram

Hindi maikakaila na sa bawat vlogs ng Happy Islanders, ay kakaiba ang sayang hatid ng kanilang pamilya sa mga manonood, at sila ang nagsilbing inspirasyon sa karamihan at talagang nagpatunay na kay sarap manirahan sa Isla kasama ang buong pamilya.

At tila’y sa pagdating ng island boy na si Baby Koa, ay mas lalo pang naging masaya ang kanilang samahan ng madagdagan ng lalaki sa kanilang pamilya maliban kay Philmar.




Credit: @andieigengirl on Instagram

Sa bawat litrato ni Baby Koa sa social media, ay makikita ang pagiging hands-on nina Andi at Philmar at talaga namang umaapaw sa pagmamahal ang kanyang natatanggap.

Ngayon na 5 buwan na si Baby Koa, ay unti-unti na ring nyang nararanasan ang tunay at masayang pamumuhay bilang isang island boy.


Credit: @andieigengirl on Instagram

Kamakailan nga ng ibahagi ni Andi ang first dip ng kanyang anak sa dagat, at ang unang beses rin na pagsulong ni Baby Koa sa swimming pool.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


“I didn’t get to post a 5 month update, so this shall do!😃 Koa is finally at the age where he could join in during water time (although not for as long), and actually enjoy! Thanks to his bro Makalo, for lending the floater. Koa was happily wading and kicking while watching the girls swim about.”

At kahit 5 months old pa lang, ay hindi maitatanggi na si Baby Koa ay isa nang water baby tulad ng kanyang mga kapatid na sina Ellie at Lilo.


Credit: @koaislandboy on Instagram

Sa larawang ibinahagi ni Andi sa kanyang Instagram account ay makikita ang napaka-cute na si Baby Koa, habang nasa swimming pool at may suot-suot na salbabida bilang suporta sa kanyang katawan.

Makikita sa inilagay na caption ni Andi, na tila’y jackpot raw siya sa pagkakaroon ng 3 water babies na sina Ellie, Lilo at Baby Koa.


Credit: @andieigengirl on Instagram

“I feel like I hit the jackpot having 3 out of 3 water babies.😃

Sa unti-unting paglaki ng anak ni Andi, ay marami ng netizen ang nakapansin sa angking kagwapuhan ni Baby Koa kahit na ito ay maliit pa lamang.

“Cutie litol fluffy bibi 💜😘🥰💕




“Ang cute naman ng baby mo 😍😍😍😍😍

“Cutie patootie😍😍😍😍

“OMG cuteness overload😍❤❤❤

The post Anak ni Andi Eigenmann na si Baby Koa, kinagiliwan ng mga netizens dahil sa kanyang mga nakakatuwang mga larawan habang nag-eenjoy sa paglangoy appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments