Ina ni Heart Evangelista na si Cecilia Ongpauco, pinuri ang magandang marriage life ng kanyang anak at si Chiz Escudero.

Kinilala ang aktres na si Heart Evangelista sa kanyang ipinakitang husay pagdating sa pag-arte at galing sa larangan ng pagpipinta ay siyang labis ding hinangaan sa kanya ng kanyang mga fans.

Ngunit paano nga ba ang isang Heart Evangelista bilang isang anak at kapatid?


Credit: Love Marie Escudero Youtube Channel

Sa baong vlog na inilabas ng aktres sa kanyang YT channel, ay nakasama nya sa ikalawang pagkakataon ang kanyang ina na si Cecilia Ongpauco at kapatid nito na si Camille para gumawa ng isang masayang cooking vlog.

Sa video ay ipinakita ni Camille ang pagluluto ng Crab Butter with Sardines Pasta na siyang madalas nya umanong niluluto at kinakain sa kanyang breakfast.




Credit: Love Marie Escudero Youtube Channel

Kasabay ng kanilang cooking video ay nagkaroon rin ng oras at panahon ang mag-iina na makapagkwentuhan, at muling balikan ang ilan sa mga masasayang kaganapan lalo na ng maliliit pa lamang sila.

Kwento ng ina ni Heart ay 10 taong gulang pa lamang noon si Camille, ng ito raw ay matutong magluto. At sa kanilang mismong sariling restaurant ay siya ang nagsilbing dispatcher and drinks, samantalang si Heart ay kasama naman ang mga waiter habang kumakanta.


Credit: Love Marie Escudero Youtube Channel

“She loves to cook. She’s always in the kjitchen – 10 years old she was in the kitchen, cooking.”

“I was singing with the waiters.”

Pagdating naman sa pagiging isang anak at ang pagkakaiba ni Heart at kanyang kapatid na si Camille, tila’y ang aktres ang naging sakit sa ulo ng kanyang ina noong maliit pa lamang sila.


Credit: Love Marie Escudero Youtube Channel

“She’d paint on my walls, red all over the walls, the carpet. She’d wear my jewelry, my clothes, and my high heels.”

Ibinahagi rin ng kanyang ina ng minsan na raw naaks!dente noon si Heart, ng isuot nito ang heels ng kanyang ina at nahulog mula sa kanilang lamesa.

“She was modeling while wearing my spike heels, she went on top of the coffee table that was all glass. So she fell and h!t her (head) so I had to bring her to the em3rgency.”


Credit: Love Marie Escudero Youtube Channel

Ngunit kabaliktaran naman ni Heart ang kanyang kapatid na si Camille, dahil ito raw ang mas responsable sa kanilang dalawa mula pa man noong sila ay maliliit pa lamang.

“Yeah, she was always so responsible. She was older than her age. I think she was an old soul but heart was truly young.”

Pagdating naman sa usaping pag-ibig, ay humingi ng advice si Heart mula sa kanyang ina at hiningi ang opinyon nito patungkol sa pagkakaroon ng matibay na relasyon.

“You have to give each other space, allow each other to grow.”

At ang relasyon ni Heart sa kanyang asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero, ang isa sa binigyang pansin ng kanyang ina at pinuri si Chiz sa pagbibigay ng suporta at sa mabuting pagtrato nito sa kanyang asawa.




Credit: @iamhearte on Instagram

“You know what I like your marriage, you allow each other to grow. You don’t stop her growth. – you don’t cramp her style, I think that’s what’s good about their marriage.”

The post Ina ni Heart Evangelista na si Cecilia Ongpauco, pinuri ang magandang marriage life ng kanyang anak at si Chiz Escudero. appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments