Ang aktres na si Jodi Sta. Maria ay kinilala ng publiko dahil sa kanyang husay at galing sa pag-arte, magmula sa iba’t-ibang roles na kanyang ginampanan, mapa bida o primera kontrabida, ang kanyang mga pelikula at teleserye ay talaga namang patok sa masa.
Samantala maliban sa pagiging aktres, ay isa ring hands-on mom si Jodi sa kanyang anak na si Thirdy, at nasaksihan ng publiko na sa kabila ng pagiging aktres at single mom ay hindi naging hadlang ito upang makamit ang kanyang mga pinapangarap sa buhay.
Credit: @jodistamaria on Instagram
At ngayon ay isang masayang balita ang ibinahagi ng aktres sa publiko, dahil si Jodi ay nakapagtapos na sa kolehiyo mula sa kursong Bachelor of Science in Psychology at nakapagtapos sa Southville International School and Colleges sa Paranaque.
Maliban pa diyan ay isa rin syang consistent dean’s lister at tila’y ang matagal ng pinapangarap ng aktres na maka-graduate at makapagtapos ng pag-aaral ay kanya ng nakamit ngayon.
Credit: @jodistamaria on Instagram
“I dreamt of finishing my schooling ever since I entered show business and today, after more than a decade, marks the fulfillment of that dream. After 4 long years, I am here graduating from college.”
View this post on Instagram
Marahil ang kanyang pananampalataya at pagtitiwala sa Panginoon ang nagbigay ng kalakasan at gabay para kay Jodi, na malagpasan ang lahat ng ito at makamit ang pangarap nyang maka-graduate.
“I knew that God was with me all through out my college life and I kept holding on to his promise that I can do all things through Him who gave me strength and supplied me with more than I needed according to His glorious riches in Christ Jesus. God is always faithful to his word.”
Credit: @jodistamaria on Instagram
Labis ang sayang nararamdaman ng celebrity mom sa kanyang pagtatapos, at pinasalamatan ang lahat ng mga taong sumuporta at tumulong at kanyang naging kaagapay sa pagtupad ng kanyang pangarap.
“I share this milestone with everyone who has supported me through the years – my teachers, my family, my management team, my friends. Thank you for letting me reach my stars. To God be all the glory, honor and praise.”
Credit: @jodistamaria on Instagram
Tunay ngang hindi nasusukat sa edad, sa bilis o tagal ng panahon ang pagtupad sa bawat mithiin sa buhay. Dahil ang pananalig sa Diyos at pagtitiwala sa sariling kakayahan ang magiging gabay upang makamit ang mga ito.
“Remember, it is never too late, and you are never too old to reach your stars.”
The post Jodi Sta. Maria, proud na ibinahagi ang kanyang naging pagtatapos sa kolehiyo appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments