Mag-pinsang Dahlia Amelie at Thylane Katana, muling kinaaliwan ng mga netizens dahil sa kanilang pagiging sweet at close sa isa’t-isa

Isang bagong proyekto ang ilulunsad ng celebrity mom na sina Anne Curtis at Solenn Heussaff na kanilang pinangalanang ‘Tili Dahli’.

Ang proyektong ito ay patungkol sa “special born from the love we have for our baby girls”, at nakatakdang ilunsad sa June 23.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn)


Sa litratong ibinahagi ni Solenn sa kanyang Instagram account ay makikita ang isang black & white photo nila ni Anne, habang nakalagay ang kanilang mga kamay sa tapat ng kanilang tiyan at gumawa ng nakakorteng puso.

Samantala ay nagbahagi rin ng larawan si Anne kasama si Solenn at magkahawak ang mga kamay, habang masayang nakangiti sa ilalim ng araw.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)


Wala pa mang pormal na anunsyo kung anong uri ng produkto o serbisyo ang patungkol sa proyektong ‘Tili Dahli’, ay marami ng fans nila ang naka abang at hinihintay na lamang ang araw ng paglulunsad.

Tila’y ang pangalan ng bagong proyektong ito ay hango sa pangalan ng kanilang cute na cute at adorable baby girls.


Ang ‘Tili’ ay nagmula sa pangalan ng anak ni Solenn na si Thylane Katana, na kanyang anak sa asawang businessman na si Nico Bolzico. At ang ‘Dahli’, ay hango naman sa pangalan ng baby girl ni Anne na si Dahlia Amelie, na kanyang anak sa asawang vlogger-chef na si Erwan Heussaff na kapatid mismo ni Solenn.

Tila’y ang magpinsang sina Dahlia at Tili ay makikita ang pagiging close at hindi na mapaghiwalay ang dalawa, mula sa kanilang mga litrato at videos na ibinabahagi ng kanilang mga magulang.


Credit: @dahliaamelieee on Instagram

Patunay nga nito ang isang video na kung saan ay magkatabi sina Dahlia at Tili habang nakaupo sa hagdanan, at mapapansin ang pagiging malambing ni Dahlia sa kanyang pinsan ng painumin niya ito ng tubig.

Maituturing na mag bestfriend na ang dalawa kahit maliit pa lamang, at nagkakasundo na sa maraming bagay.




“Besties/Sisters for life 💖

Samantala ay mayroon ring litrato ang mag pinsan, at makikitang pagdating sa pagbabasa ng children books at pag-eenjoy sa tubig ay mapapansing labis na nagkakasundo ang dalawa.

The post Mag-pinsang Dahlia Amelie at Thylane Katana, muling kinaaliwan ng mga netizens dahil sa kanilang pagiging sweet at close sa isa’t-isa appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments