Juliana Gomez, sinundan ang yapak ng amang si Richard Gomez at ipinamalas ang galing sa fencing

Marahil ang sport na Fencing ay bahagi na ng buhay ng Gomez Family, na pinangungunahan ng Ormoc City Mayor at mahusay na aktor na si Richard Gomez.

Isa si Richard sa mga naging idolo ng mga kabataan noon dahil sa kanyang ipinamalas na husay at galing bilang isang fencer.


Credit: @gomezjuliana on Instagram

Siya rin ay kinatawan ng Southeast Asian Games at nakamit ang gold medal bilang kauna-unahang Asian Master’s Fencing Championship na ginanap sa PhilSports Complex sa Pasig City noong taong 2015.

Ngayon na si Richard ay kasalukuyang Presidente ng Philippine Fencing Association, ay marami pa rin ang humahanga sa kanya at isa na rito ang kanyang unica hija, na si Juliana na sumunod na rin sa kanyang yapak bilang isang mahusay na rin na fencer tulad nya.




Credit: @gomezjuliana on Instagram

Sa post ni Juliana sa kanyang Instagram account, ay ibinahagi nito ang kanyang larawan habang nagfe-fencing.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juliana Gomez (@gomezjuliana)


“Good things take time 🧘🏽♀‍”

At dahil isa si Richard sa gumabay at umalalay kay Juliana pagdating sa sport na ito, tila’y naging maganda naman ang naging resulta at isa na ang anak nya sa kanyang nakakalaro at marahil isang masayang bonding na rin nila mag-ama.


“I am very fortunate to be able to play hard and competitive fencing with my daughter @gomezjuliana”

Ngunit maliban kay Juliana, ay hindi rin nagpahuli ang asawa ni Richard na si Lucy Torres-Gomez, at sinubukan rin maging fencer habang nakasuot ng stilettos.


Tila’y malaki ang naging parte ng fencing sa buhay ni Richard, kaya naman pati sa kanilang lugar sa Ormoc City ay prinomote na rin nila ang sport na ito at nagsilbing mga fencing coach sa mga future fencer sa kanilang lugar.




“Fencing, a sport very dear to me.

I’ve represented our country in many sea games and came home victorious. Coach Benny Garcia and I are teaching epee fencing here in Ormoc and promoting the sport to give our youth the opportunity to play the sport and hopefully they become really good worthy of being with the national team in the future.”

The post Juliana Gomez, sinundan ang yapak ng amang si Richard Gomez at ipinamalas ang galing sa fencing appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments