Andi Eigenmann, inilahad kung gaano kabuting ama ang fiancé na si Philmar Alipayo na talagang isang biyaya para sa kanya

Noong nakaraang araw ng ating mga ama, erpats, papa, itay, lolo at tito, ang karamihan ay may kani-kaniyang pamamaraan upang batiin ang nag-iisang haligi ng bawat tahanan.

Katulad na lamang ng ilang mga celebrity dad na ipinagdiwang ang espesyal na araw na ito, kasama ang kanilang pamilya at pumunta sa magandang lugar upang mag-relax at pansamantalang kalimutan ang responsibilidad upang makapagpahinga.


Credit: @andieigengirl on Instagram

At dahil sa naging Father’s Day ay hindi na kailangan pang pumunta sa malalayong lugar upang ipagdiwang ang espesyal na araw na ito, dahil ang islang tinitirhan ay sapat na para sa surfing champion na si Philmar Alipayo.

Marahil ang isla ng Siargao ang isa sa mga may magagandang tanawin, at talaga namang isa rin sa binabalik-balikan ng bawat turistang dumadayo sa kanilang lugar.




Credit: @andieigengirl on Instagram

Ang espesyal na araw na ito ay ipinagdiwang ni Philmar kasama ang kanyang fiancé na isang aktres na si Andi Eigenmann, kasama ang kanilang mga anak na sina Ellie, Lilo at Baby Koa.

Isang masayang family dinner ang kanilang ginawa at masarap na steak naman ang kanilang pinagsaluhan bilang pamilya.


Credit: @andieigengirl on Instagram

Samantala ay hindi naman nagpahuli si Andi sa pagbibigay ng isang taos-pusong mensahe para kay Philmar, na syang makikita sa litratong pinost nito sa kanyang Instagram account.

Sa bawat litrato ay makikita ang mga masasayang memories na kasama at ka-bonding ni Philmar ang kanilang mga anak, at mula dito ay hindi maikakaila kung gaano kasaya ang kanilang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


“From you I learned that it’s not about how much you’ve read in books, but about how much you listen to and pay attention to your child that makes a good parent.”

Ayon kay Andi, si Philmar umano ang dahilan sa bawat masasayang kaganapan na mayroon sa kanilang pamilya, at kung paano sya naging isang mabuti at huwarang ina ay dahil rin sa kasintahan.


Credit: @andieigengirl on Instagram

“It was also from you that I learned to slow down and cherish every moment spent with our children, turning ordinary days into the most memorable ones. This is how I am as a mama because of who you are as a papa.”

Hindi maitago ni Andi ang labis na pagmamahal para kay Philmar at kung gaano sya ka-blessed sa pagdating nito sa kanyang buhay.

“I am beyond blessed to have you by my side in all of this. Kaya deserve mo lahat yan papa!😃 Mahal kaw namo nan grabi kadako karajaw! Happy father’s day!♥




Credit: @andieigengirl on Instagram

Marahil bukod sa kanilang mga anak, si Philmar ang isa sa mga nagbibigay sigla at kasiyahan sa kanilang pamilya ngayon.

“PS It’s been so much fun being a part of this family because of you! As in ang saya saya!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)


Maliban kay Andi ay magbigay rin ng pagbati ang ina ng aktres na si Jaclyn Jose at nag-post rin ng larawan ni Philmar sa IG at may caption na, “Happy Father’s Day Champ!”

December ng nakaraang taon ng i-anunsyo nina Philmar at Andi ang naganap na simple at masayang engagement.

The post Andi Eigenmann, inilahad kung gaano kabuting ama ang fiancé na si Philmar Alipayo na talagang isang biyaya para sa kanya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments