Heart Evangelista, ibinahagi ang masayang bakasyon sa Sorsogon kasama ang pamilya at mga kaibigan

Ang pansamantalang pagbabakasyon malayo sa siyudad na kinagisnan, ang isa sa mga hangarin ng karamihan upang makapag-relax at panandaliang ilayo ang isip mula sa str3ss at responsibilidad na nag-aabang pagbalik sa Maynila.

Kaya naman ang aktres na si Heart Evangelista ay hindi nagpahuli, at piniling manirahan kasama ang pamilya at mga kaibigan sa probinsya ng Sorsogon.




Credit: Love Marie Escudero Youtube Channel

“After staying in Manila for a few weeks, I’ve decided to go back to Sorsogon with everybody – meeting my dad and my sister Camille and her baby. And I think we’re gonna live there for a while. It’s quite safer there and their C0vid cases are kind of low, so we’ve decided to just move there.”

Sa panibagong vlog ng aktres sa kanyang YT channel ay isinama nya ang kanyang mga viewers pauwi sa Sorsogon, at ipinakita ang magagandang lugar at masayang bonding ng kanyang pamilya.

Pagkarating sa Sorsogon ay kanilang pinuntahan ang bahay ng Daddy ni Heart na si Reynaldo Ongpauco sa Buhatan, at ipinasilip ang ginagawang bangka sa bagong beach house ng kanyang ama sa Rizal beach.


Credit: Love Marie Escudero Youtube Channel

Maliban sa pagiging mahusay na aktres ni Heart, sya rin ay isang mahusay na pintor, kaya naman ng magkaroon ng art contest sa Sorsogon, ay makikitang kanyang tinitignan ang bawat art piece na syang idi-display mismo sa kanilang kapitolyo.

Ipinasilip din ng aktres ang business ng kanyang ama ang ‘bella. Lolo Rey’s Bagoong’ na isang home-made bagoong.

“It doesn’t taste like bagoong, it’s actually taste like corned beef.”


Credit: Love Marie Escudero Youtube Channel

Hindi lingid sa kaalaman ng iba na kasalukuyang Governor ng Sorsogon ang asawa ni Heart, na dating Senador na si Chiz Escudero, at sa kanilang pamamasyal ay ipinakita nito ang Sports complex na syang itinuturing na Little Rome ng kanilang probinsya.




Credit: Love Marie Escudero Youtube Channel

Pinasalamatan ni Heart ang kanyang asawa dahil sa magagandang proyekto na ginagawa nito para sa ikagaganda at ikauunlad ng Sorsogon.

“The sports complex I’m very, very excited to show that. Because it’s like our Little Rome here in Sorsogon, and it is just so amazing how there are just so many beautiful things happening to Sorsogon, thanks to this guy.”

The post Heart Evangelista, ibinahagi ang masayang bakasyon sa Sorsogon kasama ang pamilya at mga kaibigan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments