Andi Eigenmann, ibinahagi ang masayang staycation sa Isla kasama ang buong pamilya

Sa mga nakalipas na vlogs ng Happy Islanders ay tila’y hindi naging kumpleto ang samahan ng pamilyang Islanders, magmula ng magbakasyon si Ellie sa Manila upang makasama at maka-bonding ang kanyang ama na si Jake Ejercito.

At ngayong nakauwi na si Ellie sa Isla ay sa wakas ay nakumpletong muli ang pamilyang Islanders, at tila’y mas lalo pang naging espesyal ang kanilang samahan, nang ibahagi nila ang naging kaganapan sa masayang staycation ng Happy Islanders.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Sa panibagong vlog ay makikita muli ang kanilang masayang bonding time sa beach, kasama ang kanilang mga kaibigan at kapamilya sa Isla.

“Every time Ellie comes home, she brings the sunshine. So we’re back in the ocean, we’re back in the beach swimming-swimming.”




Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Sa muling pagbabalik ni Ellie ay tila’y hindi lamang ang Isla ang kanyang na-miss, kundi pati na rin ang pakikipag-bonding sa mga nakababatang kapatid na si Lilo at Baby Koa ay kanya ring na-miss.

Sa kanilang masayang staycation ay ibinahagi rin ng aktres na si Andi Eigenmann, ang naging first dip ng kanyang bunsong anak na si Baby Koa sa dagat pati na rin sa swimming pool.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

“My friend @leagoeson got to snap some pics of Koa’s first dip in the ocean.😃 Exciting times are up ahead indeed! Can’t wait for more ocean time with this guy and start getting him used to being in the water just like his sisters.♥

Isang masayang staycation ang kanilang ginawa sa Villa Tulua, na matatagpuan pa rin sa Isla ng Siargao.

At makikita na kahit sa kanilang pags-stay sa villa, ay tila’y ang pinaka-favorite spot nila ay ang swimming pool, na sya namang labis na in-enjoy nina Ellie at Lilo.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

“You can guess which part of the villa was our fave 😂

Tila’y ang panganay ni Andi na si Ellie ay unti-unti ng nagdadalaga, dahil ayon umano sa kanya ay may sarili na itong kwarto sa kanilang naging staycation.

“Ate Ellie’s there in her room. May own room na sya, dalaga na.”




Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Ganunpaman, ay hindi maitatangging hindi pa rin daw kaya umano ni Ellie na matulog mag-isa lalo na at hindi kasama ang kanyang Mommy Andi.

“Kagabi dapat mags-sleep daw sya mag-isa, gusto daw nya i-try. Pero kasi since she was born, talagang magkatabi na kami and never pa kami nagka-sep ng sleep in a separate room. But then, last minute na-realize nya ‘di pala daw muna nya kaya.”

The post Andi Eigenmann, ibinahagi ang masayang staycation sa Isla kasama ang buong pamilya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments