Sheena Halili, ipinasilip ang naging masayang pagdiriwang ng ika-5th month celebration ng kanyang anak na si Baby Martina

Ang celebrity mom na si Sheena Halili-Manzanero, ay iba ang sayang nadarama sa tuwing kasa-kasama ang kanyang napakagandang anak na si Baby Martina.

Sa bawat larawan at videos ni Martina ay talaga namang makikita ang solid bonding nilang mag-ina, sa bawat kulitan at masasayang tawanan na kanilang ginagawa.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

At noong May 12 nga ay masaya namang ipinagdiwang ni Sheena ang ika-5 months old ni Baby Martina.

Sobrang bilis nga naman ng panahon ng kamakailan ng isilang pa lamang ni Sheena ang kanyang anak, at kahapon ay kanilang ipinagdiwang na ang espesyal na araw na ito bilang isang buong pamilya.




Credit: @mysheenahalili on Instagram

At dahil ito ay espesyal na araw ni Baby Martina ay naging espesyal din ang naging selebrasyong ito, matapos hangaan ng publiko ang naging bonggang photosh0ot ni Baby Martina.

Sa mga larawang ibinahagi ni Sheena sa kanyang Instagram ay makikita ang naging pictorial ng kanyang anak para sa selebrasyon ng ika-5 months old nito.


Makikita ang naging magandang pink floral set-up design ng naging pictorial ni Martina, at ang magagandang kasuotan nito na talaga namang bumagay sa naging tema at disenyo ng lugar.

Mapapansin ang napakagandang si Martina habang suot-suot ang isang pink dress na binagayan pa ng isang pink ribbon headpiece, at ang naging belle crochet nyang outfit ay hindi rin naman nagpahuli.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

Ayon kay Sheena ang naging backdrop design ni Baby Martina ay sya mismo ang nag-ayos, base sa ibinigay na instruction ng kanyang kaibigan na isang mahusay na Floral & event designer na si Gideon Hermosa.

“Actually pinadala niya props namin ako nag ayos ayon sa instructions niya. 😬 sana pasado sayo Gids 😬

Mula sa naging magandang pictorial na ito ni Baby Martina, ay marami naman ang humanga sa naging magandang set-up, pati na rin ang naging pagkuha ng litrato ni Sheena.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

Umani ng samu’t-saring komento at pagbati ang kanilang natanggap mula sa mga netizen at ilan sa mga kaibigan ng aktres.

“Happy 5th Martina! Ang galing mo mag pic mommy! Hahaha! 👏

“Super duper Cute happy 5th Martina.😍❤❤




Credit: @mysheenahalili on Instagram

“Happy 5th Month, Princess Martina! so cute 😻

“Ang cute ni martina😚😚😚

“Happy 5th months martina ganda 😍❤


Credit: @mysheenahalili on Instagram

Isinilang ni Sheena ang napakagandang si Baby Martina noong December 12, ng nakaraang taon.

The post Sheena Halili, ipinasilip ang naging masayang pagdiriwang ng ika-5th month celebration ng kanyang anak na si Baby Martina appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments