Neri Naig at Chito Miranda, ibinahagi ang masayang gender reveal at ang magiging pangalan ng kanilang baby number two

Matapos ang naging masayang pag-anunsyo ni Chito Miranda at Neri Naig sa naging pagbubuntis ni Neri sa kanilang ikalawang anak, ngayon naman ay isang masayang gender reveal ang kanilang ibinahagi sa publiko.

Noong  May 19 ay makikita ang 2 videos na ibinahagi ni Neri sa kanyang Instagram, at mula sa video na ito ay makikita ang nakasabit na isang makulay na kahon.


Credit: @mrsnerimiranda on Instagram

Sa kahon na ito ay mapapansin ang mga nakalaylay na tali na syang kanilang hihilahin, upang malaman ang kulay na nasa loob nito kung ang gender ba ng kanilang anak ay magiging lalaki o babae.

Mapapansin sa video ang excitement sa kanilang pamilya habang unti-unting hinihila ang mga tali, at ng mahulog ang mga lobong nasa loob nito ay kanilang nalaman na “It’s a Boy”, ang ikalawang anak nina Neri at Chito base sa kulay asul ng mga lobo na nalaglag mula sa kahon.

Ayon kay Chito pag lalaki daw ang magiging gender ng kanilang anak ay tatawagin nila itong “Cash” at kapag babae naman ito ay magiging si “Margarita”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)


“Pag lalake, si Cash. Pag babae, Margarita.”

At dahil lalaki ang kanilang 2nd baby, ay kanila na ring ibinahagi sa publiko ang magiging pangalan ng kanilang baby boy na papangalanan nila bilang si Manuel “Cash” Miranda.

Tila’y magiging Kuya na ang panganay na anak nina Chito at Neri na si Miggy.

“May baby brother na si Miggy.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)


At kahit babae man ang unang gusto ni Chito na maging gender ng kanilang 2nd baby, ay makikita parin ang excitement mula sa kanya.

Sa naging masayang gender reveal nilang dalawa, ay marami naman ang nagpaabot ng pagbati para kina Neri at Chito sa paparating na biyaya sa kanilang pamilya ngayon.

At ang iba pa sa mga ito ay hangad rin ang ligtas na panganganak ni Neri sa kanilang 2nd baby boy.


Credit: @mrsnerimiranda on Instagram

“Congrats guys!!!! Cash cant wait to meet you!!! 👶🏻

“Another mr. swabe👏❤😍 congratulations ate soulie and kuya chits!👏

“Wow congrats another boy then girl next ❤❤


Credit: @mrsnerimiranda on Instagram

“Congratulations🎉 its a Boy!!! again!!!hehe safe pregnancy & delivery🙏

“Congratulations, another baby boy. May kalaro n c miggy ❤

The post Neri Naig at Chito Miranda, ibinahagi ang masayang gender reveal at ang magiging pangalan ng kanilang baby number two appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments