Melai Cantiveros, inamin ang dahilan kung bakit hindi nya inaako ang responsibilidad para sa mga kamag-anak

Tayo ay kaniyang pinatawa sa kaniyang nakakatuwang personality na nagsilbing inspirasyon rin ang TV host at celebrity mom na si Melai Cantiveros-Francisco magmula sa kaniyang pagpapaka-totoo sa publiko.


Credit: Enchong Dee Youtube

Siya ay nasilayan ng publiko bilang mahusay na TV host at iba’t ibang personalidad na ang kaniyang nakausap at naka-kwentuhan.

Kaya naman sa pagkakataong ito ay atin namang lubusang kilalanin si Melai, matapos makakwentuhan ang aktor na si Enchong Dee nang maimbitahan siya sa YouTube channel nito.

Bukod sa pagiging isang butihing ina at mapagmahal na asawa, si Melai rin ay isang maka-Diyos at malaki ang naging pananampalataya sa Panginoon.




Credit: Enchong Dee Youtube

Ayon kay Melai ay isa umano sa kaniyang greatest achievement ang magkaroon ng oras at ilaan ito sa kaniyang pagdadasal araw-araw.

“For me kasi, it’s a greatest achievement talaga partner – of my life, kapag nakakapag rosary ‘ko a day, kapag nakakasimba ako a week, ‘yun talaga ang masasabi kong achievement a day and a week.”

At ng tanungin ni Enchong kung paano nakatulong ang pananampalataya ni Melai patungkol sa naging usapin noon patungkol sa ABS-CBN shutdown, ay kaniya namang inamin na hindi naging madali ang kaniyang pinagdaanan.


Credit: Enchong Dee Youtube

“Ang prayer ko talaga nung time na ‘yun partner, na ma-handle ko yung gal!t ko. Para bang sa tingin ko bago dumating yung shutdown, grabe yung prayer ko, grabe yung pag rosary ko.”

Hindi na lingid sa kaalaman ng karamihan na laking General Santos City si Melai, at ng simulan ang kaniyang karera sa Maynila ay nalagpasan niya ang bawat pagsubok pati na rin ang pagharap sa bagong buhay.

“Parang na-overcome ko sya partner sa pagiging pagpapakatotoo ko. Parang pinakita ko lang kung ano ang pinanggalingan ko,”


Credit: @mrandmrsfrancisco on Instagram

Matapos magwagi sa Pinoy Big Brother: Double Up edition noon, ay dito na rin nagsimulang makatanggap ng maraming oportunidad at proyekto para kay Melai.

At sa kabila ng kaniyang kasikatan ngayon, ay nananatili pa din ang pagiging disiplinado ni Melai pagdating sa pagharap sa bawat responsibilidad, kasama na dito ang hindi niya pagpayag sa pag-ako ng responsibilidad ng kaniyang mga kamag-anak.

“Kami bata pa lang, tinuruan na kami ng Papa ko na ‘wag umasa. The best yung breadwinner pero dapat breadwinners. Lahat kayo breadwinners ng family. Kunwari nagta-trabaho si Ate. Dapat nagta-trabaho ka rin.”

Ngayon ay masayang ine-enjoy ni Melai ang mga panahong kasama ang kaniyang pamilya lalo na ang kaniyang mga anak na siyang dahilan ng kaniyang kasiyahan ngayon.




Credit: @mrandmrsfrancisco on Instagram

“Pag pinamper ko din yung mga anak ko kasi kung ano yung kasiyahan, kasi ngayon partner nasa pinaka-kuntento na talaga ako ng buhay ko ngayon partner – kung ano yung kasiyahan ng anak ko, ‘yun ang kasiyahan ko.”

The post Melai Cantiveros, inamin ang dahilan kung bakit hindi nya inaako ang responsibilidad para sa mga kamag-anak appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments