Anne Curtis, ipinakita ang kanyang ginawang taho na nagustuhan ng kanyang anak na si Dahlia Amelie

Ibinida ng celebrity mom na si Anne Curtis ang kaniyang homemade na taho at ipinatikim ito sa kanilang anak na si Dahlia Amelie.


Credit: @annecurtissmith on Instagram

Marahil ito ang kauna-unahang pagkakaton na matitikman ni Dahlia ang espesyal na taho na ito, dahil ang kaniyang Mommy Anne mismo ang siyang gumawa nito para sa kaniya.

Masayang ibinahagi ng aktres sa kaniyang social media account ang paggawa ng homemade na taho at makikita din na siya mismo ang nag handa nito para kay Dahlia.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

At habang si Erwan naman ang nagpapakain kay Dahlia, na ayon pa mismo kay Anne ay tila’y nagustuhan naman nya ito.

Mula sa caption ni Anne sa kaniyang Instagram post, ay kaniya umanong sinubukan maging katulad ng kaniyang asawa na si Erwan kahit isang minute lamang.

“Tahoooooo. Me, trying to be @erwan for a minute 😂 I think Dahlia approves of her first try of taho.
Good Morning ☀


Credit: @annecurtissmith on Instagram

Hindi lingid sa kaalaman ng iba na si Erwan ay hilig ang pagluluto, upang makagawa at masubukan ang kaniyang sariling bersyon ng mga pagkain na siyang minsan ay kaniyang iniluluto para kina Anne at Dahlia.

Makikita ito sa Instagram account ni Erwan pati na rin sa kaniyang YouTube channel, na halos lahat ay patungkol sa pagluluto ng iba’t-ibang klase ng pagkain.


Credit: @dahliaamelieee on Instagram

At dahil ito ang unang beses din ni Anne na gumawa ng taho, ay labis naman itong kinatuwa ng ilang mga netizen at tila`y natakam din sa ginawang taho ng aktres.

“Wow sarap na taho😍😍😢

“Yum! My favorite ever since I was a child ❤


Credit: @dahliaamelieee on Instagram

“Wahhhh craving for Taho since last week… Sana all 😢

“Ate pabile ako ng taho HAHAHAHA magkano ba yarn?😹

Hindi naman nagpahuli sa pagbibigay ng komento ang TV host na si Luis Manzano na siyang matalik na kaibigan rin ni Anne, at nagbiro pa na napakahirap daw gawin ang ginawang taho ni Anne.




Credit: @dahliaamelieee on Instagram

“Napaka kumplikado ng ginawa mo ha!! WOW! 😂😂

Ikinasal naman sina Anne at Erwan noong taong 2017 sa new Zealand at biniyayaan ng anak at ito nga ay si Dahlia, na kaniyang isinilang noong nakaraang taon.

The post Anne Curtis, ipinakita ang kanyang ginawang taho na nagustuhan ng kanyang anak na si Dahlia Amelie appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments