Ryzza Mae Dizon, masayang ipinasilip ang kanyang naipundar na bahay para sa kanya at sa kanyang pamilya

Isa sa mga laging inaabangan ng mga netizens ay ang mga house tour ng mga celebrities. Napakaganda nga namang makita ang mga naipundar na bahay ng mga artista mula sa kanilang sipag at tiyaga sa showbiz.

Kaya naman, ang celebrity kid na si Ryzza Mae Dizon ang nagbahagi naman ng kanyang house tour ngayon sa kanyang Youtube channel.




Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube

Nagsimula ang house tour sa labas na makikita ang facade at garahe nila Ryzza. Dito din makikita ang Fortuner nila Ryzza at mga gamit gaya ng aircon na mula sa nagsarang internet cafe nila Ryzza dahil sa pandemya. Nagbiro pa nga itong pinapa mine ang mga aircon.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube

Pagpasok sa loob, makikitang nangingibabaw ang kulay black at white na motif ng kanyang modern minimalist na bahay. Napaka cute ng kanyang living room at kusina na katuglong naman nito ay ang dirty kitchen. Ipinasilip din ni Ryzza ang ilan sa kanilang mga stocks at mga sangkap sa kusina.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube

Isang glass table naman na may acrylic chairs ang makikita sa dining area habang isang nakakalulang chandelier ang nakasabi sa kanilang second floor.

Mayroon din itong small garden na kung saan pwedeng mag relax at magpahangin dahil mayroon din namang mga mesa at upuan doon. Makikita din dito ang napakaraming mga trophies na nasa trophy case. Dito paparada ang mga awards na nakuha ni Ryzza. Talagang napakagaling nga naman talaga ni Ryzza.

Ipinasilip din sa atin ang kwarto ng kanyang mga kapatid na kung saan pinuntahan pa sila ni Ryzza habang sila ay nag oonline classes.




Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube

Habang ang kanyang napakaorganized na mga shoe at bag closet ay makikita din dito. Ipinakita din niya ang kanyang PC set kung saan siya nag-aaral at nagtatrabaho lalo na ngayong pandemic na gamitin talaga ito.

Talaga nga namang bilib na bilib ang mga netizens sa kanya dahil sa kabila ng kanyang edad ay nakapagpundar na siya ng sarili nyang bahay.

The post Ryzza Mae Dizon, masayang ipinasilip ang kanyang naipundar na bahay para sa kanya at sa kanyang pamilya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments