Ryan Bang, inaming napakaswerte nya sa kanyang non-showbiz girlfriend dahil sa ipinakitang pagmamahal nito sa kanya sa kabila ng pinagdadaanan

Ang makasama at mahanap ang “The One” ng iyong buhay ay ibang klaseng ligaya at punong-puno ng pagmamahal ang siyang mangingibabaw sa buong yugto ng inyong pagsasama kahit pa anong pagsubok at problema ang sumubok sa inyong dalawa.

Ngunit paano nga ba malalaman kung ang iyong kapareha ang siyang “The One” ng iyong buhay?



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ryan Bang (@ryanbang)


Ganito nga mailalarawan ang tapat at taos-pusong mensahe ng Korean Heartthrob ng It`s Showtime na si Ryan Bang, matapos ilahad nito kung paano niya nalaman na ang kaniyang non-showbiz girlfriend ang kaniyang “The One”.

Sa pagsisimula ng programang It`s Showtime ay tinanong ni Amy Perez o mas kilala bilang si Tyang Amy ang mga hosts ng naturang programa patungkol sa kanilang The One at bago ang naging kasagutan ni Ryan ay nagbahagi din ang ibang mga hosts.


Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

At nang si Ryan naman ang tanungin ay matapat niyang sinagot ito at nagbigay ng taos-pusong mensahe para sa kasintahan na si Kierstin Bautista.

“Napakaswerte kong tao talaga. Thank you Lord at talaga pinili mo ako sa dami ng nakapaligid sayo na mga friend, talagang ako pinili mo. Gagawin ko ang lahat para talagang tama yung desisyon mo na ako yung pinili mo.”

Malaki ang naging pasasalamat ni Ryan sa kaniyang non-showbiz girlfriend sa pagmamahal at pag-uunawa na binibigay nito sa TV host kahit na siya ay may pinagdadaanan.




Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

“Gusto kong magpasalamat kasi dati nung bago pa lang kami, lagi tayo nagde-date sa labas. Lagi ako nagpapatawa sayo. Pero recently, meron din akong pinagdadaanan. Hindi tayo masyado kumakain sa labas. Nagtitipid din ako. Minsan di ako nagpapatawa sa’yo.”

“Pero parehas ka pa rin, di nagbabago. Balang araw babawi ako sayo. I love you.”

Matapos magbigay ng kaniyang mensahe ay makikita naman ang pagiging emosyonal ni Ryan at talaga namang makikita ang kaniyang katapatan na nagmula sa kaniyang puso ang bawat salita na kaniyang sinabi para sa girlfriend.

“Ikaw lang ang isang Pilipina na nakapansin ng halaga ko.”

The post Ryan Bang, inaming napakaswerte nya sa kanyang non-showbiz girlfriend dahil sa ipinakitang pagmamahal nito sa kanya sa kabila ng pinagdadaanan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments