Kung nakaraan ay ibinahagi ng aktres na si Bea Alonzo ang kaniyang mala mansyon tahanan sa publiko, ngayon ay tayo naman ang kaniyang isinama sa kanilang malawak at napakalaking farm na matatagpuan sa Zambales.
Sa bagong video na mapapanood sa YouTube channel ng aktres ay ipinakita niya ang kanilang Beati Firma Farm at ibinahagi din ang ilan sa kanilang mga pananim at hayop na kanilang inaalagaan dito.
Credit: Bea Alonzo Youtube
Sa farm na ito nila Bea ay para na din ikaw ang nakatira sa kanilang probinsya dahil sa ganda at lawak ng kanilang lupain, ay hindi aakalain na isa din pala ito sa mga magandang investment na kanilang kinuha at pinalago sa tulong ng kaniyang ina na may puso rin sa mga farm tulad nito.
Pagpasok sa kanilang munting farm ay ipinakita ni Bea ang kanilang mga tanim na puno tulad na lamang ng Mahogany, Mango at Calamansi tree na siyang iyong makikita sa kabuuan ng kanilang Beati Firma.
Credit: Bea Alonzo Youtube
Biro pa ng aktres ay tila’y nagmukhang Farmville ang kanilang Beati Firma dahil sa maayos at saktong sukat na pagkakatanim ng mga ito na ang kaniyang ina mismo ang nag-isip at gumawa.
Sa lawak ng kanilang lupain ay hindi mo na kailangan mangamba sa pagkaligaw sa kanilang munting farm, dahil may inilagay din na signages ang kaniyang ina sa bawat bahay na nakatayo mula dito.
Credit: Bea Alonzo Youtube
Ilan nga sa mga ito ay ang ‘House of Basha’ na kanilang guesthouse at ang ‘House of Santiago’ naman ang bahay ng kapatid ni Bea.
Ang farm na ito nila Bea ay hindi lamang basta-basta dahil ayon umano sa kaniya ay ito raw ay isang organic farm at ang kanilang ginagawang pag-aalaga at pagpapakain sa kanilang mga hayop ay purong natural.
Credit: Bea Alonzo Youtube
Ipinakita din ni Bea ang kanilang mga alagang hayop tulad ng lamang ng baka, tupa, at ang kanilang mga alagang bibe at baboy na siyang may mga cute na pangalan din tulad nina Bibe Cream at Bibe Ko, at sina Sam, Gyup at Sal na alagang baboy naman nila.
Credit: Bea Alonzo Youtube
Makikita din sa kanilang farm ang mga itinayong solar panel light post, basketball court, treehouse at fishpond.
Kasalukuyang nagpapatayo sila Bea ng bahay para sa kanilang mga staff na siyang kasa-kasama nila sa kanilang Beati Firma Farm.
Mula sa malawak nilang lupain at organic farm ay malaki naman ang naging tuwa at pasasalamat ni Bea para sa kaniyang ina na siyang tumutok sa pag-alaga sa mga ito.
Credit: Bea Alonzo Youtube
“The work never stops its always a work in progress, just like ourselves. And I consider myself very lucky to have a Mom who continuously works hard in order for this farm to be beautiful and sustainable.”
The post Bea Alonzo, binigyan ng mga nakakatuwang pangalan ang kanyang mga alagang hayop sa kanyang napakalawak na farm appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments