Isa nga sa mga tahanan ng artista ang hindi biro ang ganda at halaga ay ang tahanan ni Mega Star Sharon Cuneta, na matatagpuan sa Lungsod ng Mandaluyong.
Una nga sa mapapansin sa nasabing tahanan na ito ng Mega Star, ay ang paninigurado nito ng kanilang seguridad dahil sa pagkakaroon nito ng pinakamataas na pader na kung saan ay hindi man lang masisilayan ng publiko kung ano nga ba ang itsura ng kanilang tahanan.
Ngayon ay masisilip natin ang ilang bahagi ng tahanan ng Mega Star, na kung saan ay makikita sa laki at ganda nito ang bunga ng kanyang pagtatrabaho ng halos ilang dekada sa industriya ng showbiz bilang isang singer-actress.
FRONT DOOR
Makikita pagpasok sa isang malaking Main door ng tahanan, na sa magkabilang gilid nito ay may dalawang magkaparehong upuan at lamesa. Kapansin-pansin din na halos ang ceilings ng bahaging ito ng tahanan ni Mega Star, ay napapalibutan ng glass walls na kung saan ay natabunan ng mga bamboo curtains.
FOYER
Agad naman mapapansin ng mga bisita sa may bahaging foyer ng kanilang bahay, ang isang sunburst-and-cherub sculpture na binili ni Sharon sa bansang paris.
STAIRCASE
Tila naman isang hagdan sa palasyo ng hagdan sa tahanan na ito ng Mega Star, dahil sa disenyo nito at sa mga materyales na ginamit dito. Makikita rin na mayroong elevator sa tahanan na ito nina Sharon, kung saan ay nakapwesto ilang hakbang lamang mula sa may round table.
Ayon sa Mega Star, pinalagyan niya ito ng elevator, upang sa kanyang pagtanda ay maging madali ang kanyang pagpunta sa palapag ng kanilang tahanan.
ART COLLECTION
Maliban sa kanyang hilig sa musika, isa rin sa mga kinahihiligan ni Mega Star ay ang mga arts. Kaya naman sa loob ng kanyang tahanan ay may isang bahagi kung saan makikitang magkasama ang mga kolesyon niya sa musika at arts.
Ilan sa makikita sa bahaging ito ng bahay, ay ang mother-and-child painting na likha ng priest and painter na si Fr. Armand Tangi. Mayroon din ditong isang malaking music sheets na nakalagay sa isang frame.
SECOND LIVING ROOM
Sa bahaging ito naaman ng bahay makikita ang mga collection of souvenirs ni Sharon Cuneta. Ang mga upuan dito ay nakukulayan ng Neutral na kulay, samantalang ang mga kurtina at throw pillows naman ay nakukulayan ng matingkad na kulay pula.
Makikita rin sa bahaging ito ang isang “The El Dios Pan” painting na likha naman ni Juan Luna, kung saan ay nagbibigay ito ng munting drama effects sa nasabing area. Ang work of art na ito ay ibinigay ng kaibigan ni Sharon na si Claude Tayag, na binili umano nito sa Madrid.
Ang mga paintings at work arts nga na makikita sa tahanan na ito nina Sharon Cuneta, ay mismong siya ang pumili.
FIRST LIVING ROOM
Sa bahaging ito naman ng tahanan ng Mega Star siya nag-eentertain ng kanyang mga kaibigan na bumisita sa kanya. Maging ang kanyang asawang si Kiko Pangilinan, ay dito rin ine-entertain ang mga naging bisita nito.
Makikita sa bahaging ito, na ang mga kagamitan dito ay nakukulayan ng light mocha, tulad ng kanilang eleganteng sofa. Mga magagandang bulaklak naman ang ginagamit na palamuti dito, at ang paintings na makikita sa may bandang lampshade nito.
DINING AREA
Isang 12-seater dining table na binili pa sa Paris, ang matatagpuan sa dining area ng tahanan, at mas magbigay pa ng kulay at kagandahan sa bahaging ito ng tahanan ay ang chandeliers na mula naman kay Lovely Murano.
Hindi nga naman mawawala sa bahaging ito ng bahay ang isang artworks, kaya naman meron ditong dalawang paintings na likha ni Fernando Amorsolo.
POWDER ROOM
May sarili lamang powder room and dining area na ito sa tahanan ng Mega Star, na ang disenyo ay tulad sa nakikita ng marami sa atin sa mga mamahaling hotel.
KITCHEN AREA
Isa ito sa paboritong bahagi ni Sharon sa kanyang tahanan, dahil sa hilig niya ang magluto. Makikita nga naman sa larawan, na ang mga appliances dito ay talaga namang mga branded at mamahalin.
Makikita ang isang dumbwaiter sa may bandang microwave oven, para sa mga hindi pamilyar kung ano ang dumbwaiter ito ay parang isang small elevator na ginagamit sa pang deliver ng pagkain sa bawat palapag ng tahanan.
OUTDOOR LOUNGE AREA
Ang bahaging ito, ay makikita sa may ground floor ng guest house sa may bandang pool area. Isa rin ito sa mga perfect spot, kung saan ay mas enjoy kumain habang nagbabasa ng libro o di kaya naman ay nag rerelax lamang.
SWIMMING POOL
Napaka-calming at relaxing naman ng swimming pool area sa tahanan na ito ng Mega Star, na kung saan ay panigurado ng madalas mag-enjoy ang pamilya sa pagbabad sa swimming pool dahil sa napakaganda tumabay at magrelax dito.
Source: Famous Trends
0 Comments