Rodjun Cruz, Ipinakita ang galing nila ni Dianne Medina sa pagsayaw sa kabila ng pagbubuntis nito

Kung kilig ang usapan, nariyan ang mga real celebrity couples na talaga namang punong puno ng pagmamahalan, kilig at pag-ibig sa isa’t isa.



Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Isa sa mga celebrity couple na ito ay sina Rodjun Cruz at Dianne Medina na ngayon ay husband and wife na. Naging sunod sunod ang mga milestones sa buhay pag-ibig nilang dalawa lalo na ngayon na sila na ay magiging tatlo na sa pamilya.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Opisyal nang inanunsyo ni Dianne at Rodjun noon ang pagbubuntis ni Dianne. Kaya naman, masayang masaya ang lahat sa kanila.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

At mas randam ang kilig sa kanila sa isang video na inupload ni Rodjun sa kanyang IG. Makikita si Rodjun at Dianne na sinasayaw ang kantang “Angel”



Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

“Dance muna kasama ang aking mga Anghel sa Lupa!😍🎉🙏🏻 Love you so much my Wife wife @dianne_medina & my Baby!💘 #Blessed Happy Sunday!,” sambit ni Rodjun sa IG.

 

View this post on Instagram

 

Dance muna kasama ang aking mga Anghel sa Lupa!😍🎉🙏🏻 Love you so much my Wife wife @dianne_medina & my Baby!💘 #Blessed Happy Sunday!

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz) on


Dalawang mala anghel sa lupa nga naman ang kasama ni Rodjun na si Dianne at ang kanilang baby. Napaka sweet nga naman ni Rodjun sa kanyang mag-ina.

Siyempre, kahit sumasayaw si Dianne, todo pa rin ang alalay at extra care naman ang kanilang ginagawa dahil siya ay buntis.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

Kaya naman, bilang handog na rin ni Rodjun para sa kanyang 900k followers ay ang sayaw na ito bilang isang one happy family.

“Thank you 900k followers! Dance kasama ang aking mga Anghel sa Lupa @dianne_medina,” saad pa ni Rodjun.



Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

Sa TikTok naman, makikita ang post ni Rodjun “With Baby @Rodjun Cruz and my little baby inside heheh ”

Kaya naman, ngayong nasa ilalim pa rin ng Community Quarantine lalo na ang Luzon, ang mga simpleng sayaw na ito ay isa nga namang paraan para mabawasan upang mapawi ang inip ng nga netizens gaya ng mga Tiktokers.

Basta’t ang mahalaga ay sumunod sa pananatili sa loob ng bahay at maging productive habang quarantine.

The post Rodjun Cruz, Ipinakita ang galing nila ni Dianne Medina sa pagsayaw sa kabila ng pagbubuntis nito appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments