Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado, inihayag ang kanilang wagas na pagmamahal sa isa’t isa kasabay ng kanilang pagdiriwang ng kanilang ika-20 taong anibersaryo bilang mag-asawa

Sa kanilang ipinakitang husay at galing sa kantahan ay tiyak ang kanilang mga kanta ay iyo ding kinagiliwan at sinuportahan ang matamis nilang pag-iibigan.


Credit: Jessa Zaragoza on Instagram

Mapa telebisyon, radio at karaoke man ang kanta nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado ay talaga namang pumatok sa pandinig ng masa at ang iba pa nga ay ginagaya ang kanilang pagkanta.

Maliban sa kanilang mga awitin ay hinangaan din naman ng publiko ang kanilang matamis na pagmamahalan, at ang masayang pamilya nila ngayon kasama ang unica hija nilang si Jayda.




Credit: Jessa Zaragoza on Instagram

Makalipas ng ika-20 years na pagsasama nina Jessa at Dingdong bilang mag-asawa, ngayon ay kanilang ipinagdiwang ang kanilang ika-20th wedding anniversary na ginanap kahapon, March 18.

Isang masayang early celebration din ng anniversary ang kanilang ginawa na kung saan ay nagkaroon ng simpleng salu-salo ang kanilang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessa Zaragoza (@jessazaragoza)


Sa Instagram post ni Jessa ay makikita naman ang kanilang video ni Dingdong na magkasama sa isang photoshoot, habang makikitang masayang nagsasayaw ang dalawa.

“Happy 20th Year Wedding Anniversary to US!!! @dingdongavanzado ❤ I love you endlessly my honey😘 (Cute natin ohh! feeling bagets! Hahaha impromptu dance”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessa Zaragoza (@jessazaragoza)


Bukod pa diyan ay hindi rin nagpahuli si Dingdong at binati din si Jessa sa pamamagitan ng pag-post din ng kanilang video at pictures, na kung saan ay makikitang magkasama rin sila.

Sa naging caption ng singer sa kanilang larawan ay isang taos-pusong mensahe ang ipinaabot ni Dingdong para sa asawa sa kanilang wedding anniversary.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Avanzado (@dingdongavanzado)


“Swinging through the years. This video reminds me of our journey in life together. As we move from one chapter of our lives to the next, I could not have chosen a better partner to swing with. May we continue to endure the challenges that life throws at us.

With you by my side and with our Lord guiding us, we can conquer anything. Here’s to another 20 years and beyond. Happy anniversary my one and only. @jessazaragoza let’s keep on swinging.😍




Credit: Dingdong Avanzado on Instagram

Ikinasal sina Jessa at Dingdong noong March 18, taong 2001 sa Christ the King Church sa Quezon City.

The post Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado, inihayag ang kanilang wagas na pagmamahal sa isa’t isa kasabay ng kanilang pagdiriwang ng kanilang ika-20 taong anibersaryo bilang mag-asawa appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments