Mariel Padilla, masayang ibinahagi ang malaking pagbabago sa kanyang timbang at ipinakita ang kanyang paraan upang maabot ang kanyang goal sa pagpapapayat

Sa kaniyang pangangatawan ang iba ay madaming nakikita at napupuna, dahil sa laki ng nadagdag sa kaniyang timbang dahil sa pagiging isang ina maraming negatibo ang kaniyang nakuha.

Ganunpaman, ay hindi naman dito naapektuhan ang pagiging loving at hands-on Mommy ng TV host na si Mariel Rodriguez-Padilla sa kaniyang mga anak na sina Gabriela at Isabella.


Credit: Mariel Padilla Youtube

Hindi man naging madali ang pagiging isang ina lalo na at kaakibat nito ang paglaki din ng kanyang pangangatawan, sa kadahilanang kailangan pa mag br3astfeed ni Gabriela ay kaniyang ininda ang mga negatibong komento ngunit masayang inalagaan pa rin ang kaniyang mga anak.

At ngayon matapos ang pagbe-br3astfeed kay Gabriela at maaari ng mag-diet si Mariel ay atin namang subaybayan ang naging weight loss journey ni Mariel na siyang nagpamangha sa publiko.




Credit: Mariel Padilla Youtube

December ng nakaraang taon ng simulan ni Mariel ang pagda-diet at ayon umano sa kaniya ay umabot ang kaniyang timbang ng 197 pounds.

Matapos ang ilang buwan na kaniyang nilaan sa pagkain at pag-eexercise ng tama ay masayang ibinahagi ng TV host na siya ngayon ay 155 pounds na lamang.

Kaya naman sa panibagong video sa kaniyang YouTube channel ay kaniyang ibinahagi ang ilan sa kaniyang mga ginawang paghahanda at ipinakita din ang paggawa sa ilan sa mga pagkain na kaniyang kinakain.


Credit: Mariel Padilla Youtube

Unang ipinakita ni Mariel ang paggawa ng Kani salad at BBQ Chop Chicken Salad na siyang isa sa kaniyang mga kinakain ngayon bilang bahagi ng kaniyang pagda-diet.

Ang naging pagkain ngayon ni Mariel ay tinatawag na Pescatarian na siyang fish at seafood ang isinasama sa kaniyang mga kinakain na dish.


Credit: Mariel Padilla Youtube

Bukod sa kaniyang pagkain ay ipinasilip din niya ang ginawang pag-eexercise sa treadmill na siyang sinimulan niya noong December 19 ng nakaraang taon.

Sa weight loss journey na ito ni Mariel ang tamang disiplina sa pagkain at pag-eexercise ang siyang kaniyang naging sandalan ngayon upang ma-achieve ang small-medium size na kaniyang nais.

Sa huling bahagi ng kaniyang video ay nag-iwan si Mariel ng mensahe para sa mga tulad niya na nais din ang magpapayat at maibalik ang kanilang seksing pangangatawan.

“Remember that portion control is the key, set a goal for yourself, stick to that goal alam mo yun and eye on the prize totoo yun,”




Credit: Mariel Padilla Youtube

“When you’re dieting, the only kalaban that you really have is yourself, so kailangan lab@nan mo lang.”

The post Mariel Padilla, masayang ibinahagi ang malaking pagbabago sa kanyang timbang at ipinakita ang kanyang paraan upang maabot ang kanyang goal sa pagpapapayat appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments