Pokwang, may pasilip sa kanyang ipapatayong napakagandang beach house sa Bataan

Sa lahat nga naman talaga ng pagsusumikap at pagtityaga ay may kalakip na magandang bunga sa takdang panahon. Gaya na lamang ni Pokwang na talagang lubos ang kasiyahan sa bagong ipapatayong beach house sa Bataan.

Sa instagram ni Pokwang ibinahagi nya ang larawan na gusto nyang ipatayo sa lupa na kanyang nabili.



Credit: @itspokwang27 on Instagram

Narito ang sabi ni Pokwang sa kanyang caption,

🙏🏼❤ soon…. claim it! #powerofprayer #powerofpositivity @camayacoast_ph tumatanggap po ako ng raket haaaaa woohooo pang dagdag sa bubong at alulod hahahaha”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)


Makikita sa larawan ang itsura ng kalalabasan ng kanyang pinapatayong bahay.

Kasalukuyan na nga ang construction ng bahay sa nabiling lupa ni Pokwang. Nagbiro pa ito at sinabi na tumatanggap sya ng raket pang dagdag sa bubong.

Credit: @itspokwang27 on Instagram

Marami naman sa Netizen ang natuwa sa bagong achievement nito ni Pokwang.

Malapit na nga matupad ang pangarap na beach house ni Pokwang sa Camaya Coast sa Bataan.

Tuwang tuwa rin ang mga fans ni Pokwang at may mga na inspired rin sa kanya na patuloy lang mangarap dahil nga malapit nya na makamtan ang pangarap na beach house.

Credit: @itspokwang27 on Instagram

Matatandaan noong 2019 nang magbahagi si Pokwang sa kanyang social media account at sinabi nga sa kanyang mga fans na uumpisahan na ipagawa ang kanyang pangarap na beach house sa Camaya Coast.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)


“Thank you God. Finally after 10 years mapapatayuan na kita yeheeyy, E yung kita ba dagat? Hahahahaha salamat po papa G God” Ang sabi ni Pokwang sa kanyang caption sa instagram.

Sa video rin na ibinahagi noon ni Pokwang makikita sya na nakatayo sa tabi ng kanyang partner na si Lee O’Brian. Nakabili nga ng dalawang lote si Pokwang na makikita sa signage na kanyang hawak.



Credit: @itspokwang27 on Instagram

Talaga nga namang kahanga hanga si Pokwang dahil sa kanyang mga achievements dahil na din sa kanyang sipag at pagtityaga na sinamahan pa ng buong suporta mula sa kanyang pamilya.

The post Pokwang, may pasilip sa kanyang ipapatayong napakagandang beach house sa Bataan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments