Pokwang, nalungkot para sa kanyang anak na si Malia dahil sa kasabikan nitong makahanap ng kalaro sa kanilang lugar

Likas sa isang bata na maging mahilig sa paglalaro. Bilang isang bata, gustong gusto nga naman nila na naglalaro dahil bahagi din naman ito ng kanilang paglaki.

Sa paglalaro ay natututo sila na makipagkaibigan, makisalamuha at iba’t ibang mga skills na natututunan nila sa kanilang paglalaro. Iba ibang klase ng laro ang kinagigiliwan ng mga bata.

Credit: @itspokwang27 on instagram

Ang iba’y hilig ang mga larong Pinoy, habang ang iba naman ay hilig ang mga mind o indoor games base sa kanilang interes.

At sa panahon ng pandemya, ay mas nabawasan pa ang interaction at paglalaro ng mga bata. Hindi pa kasi sila pwedeng lumabas para maglaro kaya naman maraming bata ang nananatili lamang sa kanilang mga bahay at naglalaro na lamang mag-isa.



Credit: @itspokwang27 on instagram

Isa sa mga nalungkot dahil dito ay ang anak ni Pokwang na si Baby Malia O’brian. Sa IG post ni Pokwang, ay makikita na umiiyak itong si Malia.

Credit: @itspokwang27 on instagram

Umiiyak siya dahil wala daw siyang kalaro at hinahanap niya ang mga kalaro niya sa kanilang bagong kapitbahay na itinatayo pa lamang ang bahay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)


“Opo marunong sya umiyak hahahhaa ayan ang ibidinsya!! hinahanap nya mga kalaro nya sa bagong bahay na tinatayo palang sa lugar namin 😢 aaawww kawawa naman tisay @malia_obrian sabik sa kalaro. sana matapos na ang pandemic na ito para muling lumaya at lumawak ang kanilang munting inosenteng mundo 🙏🏼❤,” saad ni Pokwang sa IG.

Credit: @itspokwang27 on instagram

Todo ang iyak ni Malia. Randam mo ang kaniyang kagustuhan na maglaro. Mahirap nga namang mag-enjoy kung wala kang kalaro. Kaya naman, hiling ni Pokwang na matapos na ang pandemyang ito para naman makabalik na ang lahat sa normal at hindi na lubusang maapektuhan ang mga bata.

Makikita mo talaga ang mga bata na ang iba’y inip na sa virtual set up lalo na kung yun at yun lang din ang ginagawa.



Credit: @itspokwang27 on instagram

Maging mga bata ay lubos na apektado hindi lang sa kanilang pag-aaral kundi maging sa kanilang kasiyahan na maglaro.

The post Pokwang, nalungkot para sa kanyang anak na si Malia dahil sa kasabikan nitong makahanap ng kalaro sa kanilang lugar appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments