Andi Eigenmann, masayang ibinahagi ang larawan ng kanyang mga anak na magkakasama at kay Lilo na isang endorser na rin ng isang sikat na brand

Sa buhay ng bawat tao ay laging kaakibat nito ang mga hangarin at pangarap na gusto nating abutin.
Mga hangarin na magsisilbing lakas sa buhay upang makamtan ito.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, ang pinangarap na maganda at masayang buhay ay tila’y wala ng mahihiling pa ang aktres na si Andi Eigenmann na makasama ang kaniyang buong pamilya.



Credit: Andi Eigenmann on Instagram

Isang Linggo na ang nakakaraan matapos magsilang si Andi ng isang healthy at napaka cute na baby boy, na pinangalanan nilang si Baby Koa.

Credit: Andi Eigenmann on Instagram

Sa pagkakataong ito hindi naman mapigilan ng aktres ang kaniyang labis na kasiyahan, na makita ang kaniyang mga anak na sina Ellie, Lilo at si Baby Koa, na siya namang nagsilbing “favorite sight” ni Andi.

Sa kaniyang Instagram ay makikita naman ang mga larawan ng mga ito na magkakatabi sa kama habang tila’y mahimbing naman ang kanilang pagkakatulog.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


“And then they were 3! My favorite sight to see. This was an IG story that turned out to be too precious. Guess which one of them is really awake? Hint: all of them…. But Lilo 🤣

Ngunit pagdating sa sumunod na larawan, ang bibo at napaka-cute na si Baby Lilo ay tila’y gising pala at nagpapanggap lamang na tulog.

Credit: Andi Eigenmann on Instagram

At ng makita nga na may nakatutok na camera sa kaniya, hindi naman nagdalawang-isip si Lilo na ngumiti at magpa-cute sa harapan nito.

Ayon kay Andi, ang larawan na ito ng kaniyang mga anak ay balak niya umanong i-post sa kaniyang Instagram story, ngunit matapos masilayan ang mga precious photo ng mga ito ay naging daan naman sa kanya upang ipakita sa publiko at ilagay sa kaniyang IG-Wall.

Credit: Andi Eigenmann on Instagram

Bilang isang ina, masaya ang aktres para sa magandang regalo na kaniyang natanggap ngayon ang pagdating ng kaniyang mga anak at ang supportive niyang kasintahan na soon-to-be husband niya na si Philmar Alipayo.

Hangad ni Andi ang siyang makakabuti para sa mga anak at sa tuwing may mga achievements na nakukuha ang mga ito, ay makikita naman ang kaniyang pagiging supportive mom sa lahat ng anggulo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


Isa na nga rito ay ang naging clothing campaign ni Lilo sa isa sa mga kilalang clothing brand, na siya ang napiling maging modelo nito.



Credit: Andi Eigenmann on Instagram

Ngayon na sila ay happy and complete family na, tila’y wala ng mahihiling pa si Andi sa maganda at masayang pamilya na binigay sa kaniya ng Panginoon.

The post Andi Eigenmann, masayang ibinahagi ang larawan ng kanyang mga anak na magkakasama at kay Lilo na isang endorser na rin ng isang sikat na brand appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments