Anne Curtis at anak nyang si Dahlia Amelie, cute na cute sa kanilang larawan na umagaw pansin sa kanilang mga tagahanga

Umani ng samut saring papuri mula sa mga kaibigang artista at netizens ang larawang ipinost ni Anne Curtis sa kanyang instagram account na kuha mula sa Melbourne, Victoria, Australia.



Credit: @annecurtissmith on Instagram

Sa larawan ngang ibinahagi nito makikita na kalong kalong niya kanyang napakagandang anak na si Dahlia at tila twinning sila sa suot nilang mga sunglasses.

Sa caption nga ni Anne nakalagay ang mga katagang French words “Deux juenes filles” na nangangahulugang “two young girls”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)


Sunod sunod na paghanga ang natanggap ng mag ina sa larawang ito at sinabi pa ng ilan na totoo ngang like mother, like daughter.

Hindi din nakalagpas mula sa mga instagram followers ni Anne ang dalawang ngipin na tumutubo na kay Dahlia.

Sinabi pa ng ilan na perfection ang nakikita nila sa larawan at very gorgeous daw ang mag ina. May mga nagsabi rin na lagi daw nilang aabangan ang mga moments pa ng mag ina na magti-twinnings sila.

Credit: @annecurtissmith on Instagram

Totoo nga talagang namana ni Dahlia ang karisma at ganda ng mga magulang nito. Hindi malayong maging celebrity din ito paglaki lalo pa at bukod sa kaniyang mga magulang, mga kilalang artista din ang mga tita nito na sina Jasmin Curtis at Solenn Heussaff.

Si Dahlia ay bunga ng pagmamahalan ni Anne Curtis Smith at Erwan Heussaff na ikinasal noong November 12,2017. Sa ngayon ay 10 months old na si Dahlia. Winelcome ni Erwan at Anne ang kanilang baby noong March 2, 2020 at pinangalanan na Dahlia Amelie.

Credit: @annecurtissmith on Instagram

Hango ang pangalan nito mula sa 1997 debut movie ni Anne na fantasy film na Magic Kingdom kung saan ginanapan niya dito ang role na Princess Dahlia.



Credit: @annecurtissmith on Instagram

Bukod sa ilang social media sites, maaring ding makakuha ng updates sa Pamilya Heussaff mula sa official youtube channel ni Erwan, kung saan makikita na sinasama nito minsan sa kanyang vlog ang kanyang misis at kanilang beautiful baby.

The post Anne Curtis at anak nyang si Dahlia Amelie, cute na cute sa kanilang larawan na umagaw pansin sa kanilang mga tagahanga appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments