Zsa Zsa Padilla, namigay ng maraming regalo para kay Batang Yorme na si Aaron Sunga kasabay ng kanyang masayang pamamasyal sa Bataan

Dahil nalalapit na ang araw ng kapaskuhan, marami sa ating mga kababayan ay sabik ng masilayan ang malamig na simoy ng hangin, nagkikislapang mga parol at pati na rin ang masayang bakasyon kasama ang buong pamilya.

Kaya naman upang lubusang mag-enjoy at maramdaman ang kakaibang Christmas vibes, sabay nating tunghayan ang masayang bakasyon ng aktres at singer na si Zsa Zsa Padilla sa isla ng Bagac, Bataan.

Credit: Zsa Zsa Padilla on Youtube

Sa ganda ng lugar na ito, tiyak na nanaisin mong manirahan malapit dito, upang masilayan ang ganda ng kapiligiran at mala asul na kulay ng dagat.

At kung bigla mo man na-miss at nais masaksihan ang mga sinaunang bahay na kadalasang makikita sa Maynila, ang Bagac Bataan ang perfect para sayo.



Credit: Zsa Zsa Padilla on Youtube

Dahil hindi lamang magandang beach ang pinuntahan ni Zsa Zsa, kung hindi pati na rin ang kilalang “Las Casas Filipinas de Acuzar” na siyang puntahan ng mga bakasyonista dahil sa hatid nitong traditional vibes na magpapabalik sayo sa sinaunang panahon.

Sa panibagong video na ibinahagi ng aktres sa kaniyang YouTube channel, ay ipinakita niya sa publiko ang iba`t-ibang itsura ng mga kabahayan sa tulong ni Dexter Manansala na isang Arts and Culture assistant manager ng naturang lugar.

Credit: Zsa Zsa Padilla on Youtube

Sa bawat kabahayan na kanilang pinuntahan at pinasukan, ay makikita ang iba`t ibang gawang kamay ng mga Pinoy magmula sa mga architecture, waterworks at mga landscapes na siyang magpapahanga sa kagandahan ng mga ito.

Hindi rin naman magpapahuli ang mga woodcrafts lalo na ang mga gawang sculpture design na gawa ng ating mga kababayan na makikita sa bawat sulok ng pagkakagawa dito.

At matapos masilayan ang ganda ng lugar, hindi naman syempre maaaring mawala ang pagkain ng masasarap.

Dahil nalalapit na nga ang kapaskuhan, ang mga pagkain na Bibingka at Puto Bumbong ang siyang inaabangan matapos ang simbang gabi.

Credit: Zsa Zsa Padilla on Youtube

Kaya naman sa pagkakataong ito ay hindi rin pinalagpas ni Zsa Zsa na matutunan ang pagluto ng mga masasarap tulad ng mga ito.



Credit: Zsa Zsa Padilla on Youtube

Sa huling bahagi ng video, isa namang munting sorpresa ang ginawa ng aktres para kay Aaron Sunga na binansagan bilang batang “Yorme”, matapos maging bahagi ito ng sikat na noontime show ang It`s Showtime.

The post Zsa Zsa Padilla, namigay ng maraming regalo para kay Batang Yorme na si Aaron Sunga kasabay ng kanyang masayang pamamasyal sa Bataan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments