Loisa Andalio, masayang ibinahagi ang kanyang unang naipundar na bahay na tirahan na ngayon ng kanyang pamilya

Karamihan sa atin ay naghahangad na magkaroon ng tahimik at maayos na pamumuhay. Ang pagkakaroon ng maituturing mo na sariling bahay ay siyang bahagi ng mga pangarap na gusto nating makamit bago matapos ang lahat.

Credit: LoiNie TV on Youtube

Bilang isa sa mga sikat na Pinay celebrity ngayon na si Loisa Andalio, pinangarap din niya ang magkaroon ng sariling bahay na siyang titirhan nila ng kaniyang pamilya.

Hindi lingid sa kaalaman ng iba na ang aktres ay isa lamang ordinaryong kabataan noon, at sinimulang tahakin ang mundo ng showbiz ng siya ay sumali sa Pinoy Big Brother.



Credit: LoiNie TV on Youtube

Matapos nito ay ito na rin ang nagsilbing bagong panimula para kay Loisa upang makatulong sa kaniyang pamilya, sa pagpasok ng maraming oportunidad sa kaniya noon ay hindi na kataka-taka na nakapagpundar ito ng sariling bahay mula sa kaniyang pagsusumikap.

“Three years pa lang ako sa showbiz, nakuha na namin itong bahay na ito. Kasi dati talaga noong bata ako, nakikitira lang talaga kami sa mga tito, tita.”

Credit: LoiNie TV on Youtube

“Pinagh!rapan almost one year. Alam mo yung pag may pumasok sa aking raket, o ito naman, bintana naman. Yung mga ganon. Kaya unti unti siyang nabuo.”

Ayon kay Loisa, nang simulang gawin ang kaniyang bahay ay aminado ito na hindi na kumuha ng Professional Architect, at tanging sariling ideya at kaalaman lamang ang kanilang naging gabay.

Credit: LoiNie TV on Youtube

“Itong bahay na ito, hindi talaga kami nagpa-architect. Lahat ‘to as in kami lang nag-design nito lahat.”

Ngunit ang desisyon na ito ni Loisa ay hindi naman naging pabor sa iba matapos magbigay ng kumento ang ilang netizens na mas mainam raw umano kung ipakonsulta sa isang arkitekto ang napansing ilang bahagi ng kaniyang bahay.

Credit: LoiNie TV on Youtube

Wala pa man reaksyon o kasagutan ang aktres sa naging kumento nito, tanging hangad lang naman niya ay mapalapit pa din sa kaniyang pamilya kahit na mayroon na siyang sariling tahanan.



“Itong bahay na ito ay this year ko lang nakuha para sa akin, sa sarili ko.”

“Kaya dito namin napili kasi magkakapitbahay lang kami. Nakita niyo naman di ba, ‘yung nilakad natin? Doon lang galing, tapos dito.”

Pinatunayan ni Loisa na walang imposible sa taong nangangarap na abutin ang kaniyang mga pangarap basta may sipag at pagsusumikap sa buhay.

The post Loisa Andalio, masayang ibinahagi ang kanyang unang naipundar na bahay na tirahan na ngayon ng kanyang pamilya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments