Andi Eigenmann, ipinasilip ang naging masayang birthday celebration ng kanyang anak na si Ellie kasama ang kanilang pamilya

Isang masayang birthday celebration ang idinaos ng pamilyang Happy Islanders, kasama ang mga kapatid ng aktres na si Andi Eigenmann.

Credit: Happy Islanders on Youtube

Sa pagdiriwang ng ika-9 na kaarawan ng panganay na anak ni Andi na si Ellie noong November 23, ay labis naman ang naging kasiyahan nito na muling makasama ang mahahalagang tao sa kaniyang buhay ngayon.



Credit: Happy Islanders on Youtube

Upang simulan ang pagdiriwang ng kaniyang kaarawan, unang nakasama ni Ellie ang kaniyang Daddy na si Jake Ejercito, ang dating kasintahan ni Andi.

Habang pansamantalang wala sa tinitirhan nilang condo si Ellie na sinusulit ang kanilang father and daughter bonding moment, ay siyang naisipan naman ng aktres na magbake ng chocolate cake na syang paborito nilang dessert ng kaniyang mga anak na si Ellie at Baby Lilo.

Credit: Happy Islanders on Youtube

Sa pag-uwi ni Ellie ay makikita naman tila’y pagkamiss ni Baby Lilo sa kaniyang Ate, kaya naman ang ilang oras na hindi sila magkasama ay kaniyang sinulit at nakipaglaro sa kapatid.

Credit: Happy Islanders on Youtube

Natapos man ang buong araw na iyon para kay Ellie, hindi naman dito natatapos ang pagdiriwang ng kaniyang birthday dahil isang masayang birthday party ang kanilang idinaos kasama ang mga kapatid ni Andi at mga pinsan nila Ellie at Baby Lilo.

Magmula sa kanilang rainbow set-up theme design ng party, kapansin-pansin din ang mga art materials na siyang gagamitin para sa kanilang “made to own souvenir”, at ang rainbow birthday cake ni Ellie ay hindi naman din nagpahuli.



Credit: Happy Islanders on Youtube

Sa kaarawan na ito ni Ellie, isang taos-pusong mensahe naman ang ipinaabot ni Andi para sa kaniyang anak, magmula sa mga larawan nito na pinost nito sa kaniyang Instagram account.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


“I will forever be grateful that the universe gave me YOU. You only become more and more special to me as the years go by, and that’s exacy what inspires me to do my best as your mom, because that’s what you deserve! Thank you so much for being YOU. Just watching you grow into such an admirable lady brings me sooo much joy and fills my heart with pride.”

The post Andi Eigenmann, ipinasilip ang naging masayang birthday celebration ng kanyang anak na si Ellie kasama ang kanilang pamilya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments