Solenn Heussaff, naluha sa tuwa dahil sa nakitang magandang pagbabago sa kanilang living room

Mapapanood sa youtube chanel ng Mr & Mrs B of Moss Design House kung paano ang transformation ng living room nina Solenn at Nico Bolzico sa loob ng tatlong araw.

Credit: Mr & Mrs B of Moss Design House on Youtube

Nagbigay naman ng tip ang mga mag partner sa video at sinabi na importante daw ang pagpili ng kulay at sinabi pa nila na Texture is the new color.

Kasama rin sa mga binigay nilang tip ay ang pagkakaroon ng color green gaya ng mga halaman sa bahay, dahil nagbibigay raw ito ng freshness at nakakaganda sa paningin.



Bago naman umpisahan ay nagsagawa ng masking tape marking ng eksaktong furniture dimensyons sa space ng bahay.

Credit: Mr & Mrs B of Moss Design House on Youtube

Gusto raw ni Solenn na maging Modern Minimalist Neutral ang theme ng kanilang bahay.

Sa unang araw ginawa ang pagpapalit ng wallpaper. Tinanggal nila ang lumang wallpaper na kulay gray at pinalitan ito ng linen na texture at may pagkakahawig rin sa kulay ng nauna.

Credit: Mr & Mrs B of Moss Design House on Youtube

Ikalawang araw naman isinagawa ang paglalagay ng carpet, ayon pa sa Mr & Mrs B, ay pinaka importante daw ang carpet sa living room dahil parte rin ito ng sofa. At mayroon namang graphic design ang carpet na binubuo ng kulay black, gray at silver.

Credit: Mr & Mrs B of Moss Design House on Youtube

Pagdating naman ng ikatlong araw ay dito na nga nilagay ang sofa at kinumpleto ang desanyo dahil eto ang araw na ipapakita sa mag asawang Solenn at Nico at kinalabasan ng kanilang ginawa.

Nabanggit pa sa video na niregaluhan rin nila ng christmas tree sina Solenn at dahil eto rin ang unang pagkakataon na magcecelebrate sila ng Christmas bilang isang pamilya.

Simple lang dekorasyon na nilagay nila sa Christmas tree ngunit napakaganda naman tingnan at mayroon pa itong ribbon na kulay bronze sa tuktok.



Credit: Mr & Mrs B of Moss Design House on Youtube

Tuwang tuwa naman ang mag asawang Solenn at Nico sa kinalabasan ng kanilang living room. Hindi rin naiwasan ni Solenn ang maluha dahil sa tuwa at excitement nang makita na nya ang mismong pinagbago ng kanilang living room.

The post Solenn Heussaff, naluha sa tuwa dahil sa nakitang magandang pagbabago sa kanilang living room appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments