Pokwang, hands-on pa rin sa pagtuturo sa kanyang anak na si Malia sa kabila ng pagiging busy sa trabaho

Si Marietta Subong, na mas kilala sa entablado bilang Pokwang, ay isang kilalang komedyante, artista, host sa telebisyon at mang-aawit.

Nagsimula siya sa isang reality show sa ABS-CBN at kasunod na lumabas sa mga drama at sitcom ng network. Ngayon ay mapapanood naman sya sa isang TV show sa ibang network.

Credit: @itspokwang27 on Instagram

Ngayong pandemya, makikita sa kanyang mga ipinopost o ibinabahagi sa kanyang mga social media accounts ay laging may mga pumapatungkol sa pagluluto. Dahil nga naman nabawasan ang trabaho ngayon at kailangan ng kaantabay ng kanyang pamilya ay mas pinunan nalang niya ng oras ang kanyang pamilya at ibang libangan.



Credit: @itspokwang27 on Instagram

Bukod sa pagiging isang mahusay na aktres at komedyante, kilala din si Pokwang sa kaniyang pagiging hands-on Mommy sa kaniyang bunsong anak na si Malia O`Brian. At bahagi ng pagiging isang ina, ay ang kagustuhan nito na mapalaki ng maayos at malusog ang kaniyang mga anak.

Credit: @itspokwang27 on Instagram

Kaya naman sa kaniyang mga kaabang-abang na cooking videos ni Pokwang, makikita na tila`y hindi lamang publiko ang natatakam sa kaniyang mga luto, kundi pati na rin ang kaniyang anak na si Malia.

Credit: @itspokwang27 on Instagram

Sino nga bang hindi matutuwa sa ipinakitang bidyo ng artista na si Pokwang. Alam nating lahat na ang mga ina ay gagawin at isasakr!pisyo ang lahat para lamang sa ikabubuti ng kanilang anak. Tulad na lamang ng ibinahaging bidyo ni Pokwang sa kanyang Ig account.

Tinuturuan niya ang kanyang bunsong anak ng mga alphabetical letter. Makikitang si Pokwang ay nakasuot pa ng apron at hairnet, dahil nakasaad sa kanyang ig caption na ito ay ang kanyang oras para magpahinga sa kakaluto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)


Narito ang nakasaad na caption ng aktres sa kanyang post,

“habang breaktime sa pagluluto aral aral muna with my tisay”

Credit: @itspokwang27 on Instagram

Talaga nga naman makikita na aktibo ang partisipasyon ng bata kapag tinuturuan siya ng kanyang ina subalit hindi naman maiwasan ng bata na hindi maistorbo sa mga laruan na nakapaligid sa kanya.

Makikita sa seksyon ng mga komento na napaka dami naman talaga ang humahanga kacutean sa kanyang anak.



Credit: @itspokwang27 on Instagram

“super cute ni bagets!❤

“kakatuwa may thumbs up pa sya e! Very good.”

The post Pokwang, hands-on pa rin sa pagtuturo sa kanyang anak na si Malia sa kabila ng pagiging busy sa trabaho appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments